Showbiz News

WATCH: Remembering Cesar Apolinario on 'iJuander'

By Felix Ilaya

Malaking puwang ang naiwan ng yumaong Kapuso journalist at direktor na si Cesar Apolinario sa larangan ng media at pamamahayag.

Celebrities, reporters, netizens express grief over Cesar Apolinario's death

Isa sa mga proyektong iniwan ni Cesar ay ang weekly magazine show na iJuander.

Bilang pag-alala at pagbibigay pugay sa dating host, nag-compile ang iJuander team at ang kanyang co-host na si Susan Enriquez ng mga hindi malilimutang sandali ni Cesar sa kanilang show.

#SALAMATCESAR: 'I Juander' management and staff give beloved host Cesar Apolinario an emotional send-off

"Hindi ka namin malilimutan, Cesar Apolinario. Hanggang sa muli. #IJuanderSalamatCesar"

Panoorin ang tribute video ni Susan Enriquez at ng iJuander team para kay Cesar Apolinario sa video below: