Showbiz News

Eula is happy not to be Alma in real life

Sa pagtatapos ng 'All About Eve,' hindi maiiwasan mamiss ng cast ang isa't-isa at ang kanilang mga characters. Pero it's a different story for Miss Eula Valdez. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "Paano ba?" was how Eula Valdez answered us nang matanong namin siya sa mga puwede niyang i-reveal sa nalalapit na finale ng kanyang soap na All About Eve. "Sasabihin ko ba yun?" Eula tells us, revealing a certain plot point na hindi siya sigurado kung masyadong revealing. "Hindi ko kasi alam kung ano 'yung okay lang i-reveal eh," natatawa niyang dagdag. In our first interview kay Eula bago magsimula ang All About Eve, she mentioned that Alma (her character) will do anything for love. Tama pa rin ba ang kanyang observation na ito? "Yun na nga, 'di ba? Tinamaan na siya—tumanggap na siya ng bala. First time kong makakaramdam ng tama ng baril eh." Well, there goes the spoiler. Pero bakit nga ba siya tatamaan ng bala? With the show wrapping up, isa ba si Alma sa mga kailangan ng punishment sa kanyang mga nagawa? "Pero hindi naman ganoon ka-bad," the actress says in defense of her character. "Para sa akin, si Alma ay isang tanga sa pag-ibig; sobra niyang pinapairal 'yung emosyon niya," Eula declares. She continues na emotion gets the better of Alma most of the time, at hindi niya iniisip ang kanyang ginagawa until it's too late. "Nag-iisip siya after na niyang magawa 'yung mga nagawa niya. "May mga tao naman na ganoon talaga, 'di ba?" Eula knows what she's talking about, dahil isa sa mga malalaking twists ng story ay may malaking involvement ang character niya—and it's not whatever it is you're thinking. "Hindi siya mahinahon na tao," Eula says of Alma. Kaya nga kung ang ibang tao raw ay love ang character na kanilang pino-portray, iba daw siya sa kanila. "Diyos ko! Buti na lang hindi ako si Alma." For Eula, she's reserving all her love para sa staff at co-actors niya sa All About Eve. Pero if people expect her daw to say na mami-miss niya ang mga kasama niya—they would be right: "Mami-miss ko sila, pero alam mo 'yun, magkikita-kita pa rin kami nito eh." Kuwento nga ni Eula, they've already made plans to see each other after their last taping day, which was last May 20. "'Yung bonding, hindi siya natatapos sa isang project. Yun 'yung na-experience ko dito sa GMA. Hindi siya natatapos doon." She's very happy nga daw sa GMA, "dahil magaan 'yung trabaho, may time for life outside ng show business." Too bad nga lang daw na patapos na ang show, pero kakaunti pa rin ang mga eksena nila ni Jean Garcia together. "Parang mas nag-expect ako ng mas marami eh," kuwento sa amin ng aktres. "I can't say na disappointed ako, kasi sa akin, kung ano 'yung mas ikakagaganda ng story, 'yun 'yung sa akin." She just wishes daw na sana mas marami silang naging eksena. That said, sure naman daw siya na there will always be a next time. Gaya na lang ng susunod na show. "Meron naman yan," she tells us. "Hindi ko lang alam kung exactly what. Abangan na lang." For now, Eula will take a break. "Magbabakasyon ako," she shares with iGMA. Dahil nga since she begun taping for LaLola, hindi pa siya nakapagpapahinga. "I'm not complaining, pero bago magpasukan 'yung mga anak ko, kahit mga two weeks lang," she says she wants to spend time with them naman. "Sabi ko nga sa anak ko the other day, 'Two days na lang 'yung work ni Mommy!' Tapos, sabi niya, 'Last one, last one?' 'Hindi. Last two, anak. Last two,'" she shares with a laugh. Minsan nga daw dinadala rin niya sa set ang bunso niya na four years old. "Pagdating dito, sobrang possessive ng anak ko! Sasabihin niya, 'Hindi ka magwo-work, mama.' "Niloloko nga nila 'yung bunso ko, 'Ay, nako! Ayaw ng manager!' So ang ending hindi ko na lang sinasama." Kaya nga important for Eula na she gets to spend some time with them naman ngayon. Though she also tells us na meron din naman siyang plan for a personal vacation after her much-needed time with her kids. And this vacation will take her to the United Kingdom! "Mayroon akong fan kasi sa London, gusto kong sumaya siya. Sobrang supportive yun eh. As in nung lumipat ako sa GMA, lumipat din siya ng GMA—ng cable." Suwerte naman ng fan na 'yan! Imagine mo kung ikaw ang bibisitahin ni Eula Valdez ano? Exciting! Kasing exciting ng finale week ng All About Eve na palapit ng palapit! Kaya wag nang palampasin ang bawa't episode, gabi-gabi sa GMA Telebabad.