What's Hot

Vic Sotto, hanga sa pagganap ni Maine Mendoza sa 'Mission Unstapabol: The Don Identity'

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 25, 2019 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH: 2 dead, over 260 hurt in motorcycle crashes amid Christmas 2025 rush
PDLs reunite with families on Christmas Day
Kavi On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto Maine Mendoza on Mission Unstapabol The Don Identity


Mapanonood na sa mga sinehan ang 'Mission Unstapabol: The Don Identity' simula ngayon!

Bilib si Bossing Vic Sotto kung paano ginampanan ng kanyang 'Eat Bulaga' co-host na si Maine Mendoza ang karakter nito sa MMFF entry nilang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Kahit na may pagka-comedy ang tema ng pelikula, isang seryosong karakter naman na ginagampanan ni Maine rito.

"Ibang klaseng Maine ang makikita nila rito kasi hindi siya rom-com, hindi siya fantasy, ibang klase 'yung karakter niya," pagmamalaki ni Bossing.

Kinuwento rin ni Bossing, isang taon nilang binuo ang konsepto ng 'Mission Unstapabol: The Don Identity.'

"After 'yung huling festival, sinimulan na namin magplano, mag-isip ng ibang konsepto, naiiba doon sa nakaraan naming nagawa," pag-amin ni Vic.

Makakasama nina Vic at Maine ang pelikula sina Jose Manalo, Wally Bayola, Pokwang, at marami pang iba.

Mapanonood na simula ngayong December 25 ang Mission Unstapabol: The Don Identity sa mga sinehan sa buong bansa.

WATCH: Vic Sotto reveals his first impression of 'Mission Unstapabol: The Don Identity' co-star Maine Mendoza

'Mission Unstapabol' actress Pokwang, di napigilan ang galit sa komentong "cheap comedy"