Showbiz News

Alfred, umamin na in love kay Yasmien

Very vocal si Alfred Vargas sa kanyang love life. Kung noon ay matagal bago magsalita ang aktor about his romantic relationship, ngayon, very proud siyang umaamin na in love na in love siya kay Yasmien. Text by Loretta G. Ramirez with additional interviews by Connie Tungul. Photos by Mitch S. Mauricio Sa huling taping ng All About Eve nakausap ng iGMA ang napaka-busy na si Alfred Vargas. Playing Warren in the story, ipinahayag ng aktor kung ano nga ba ang dapat abangan sa role niya sa pagtatapos ng istroya. “Kung paano ipaglalaban ni Warren ‘yung pag-ibig niya at kung paano niya patutunayan kung gaano kalalim yung commitment niya kay Erika (SunshineDizon),” ang kuwento ng aktor. Inamin niya na tiyak na mami-miss niya ang samahan sa All About Eve dahil napakasaya at napakagaan ng set nila kapag sila ay nagtratrabaho. “Sobrang saya, sobrang enjoyable ang mag-taping dito. Lahat kami ng co-actors ko, we all agree, lahat kami magkakasundo. Lahat kami, we share ourselves sa isa’t-isa and lahat kami professional, 'yung walang aberya sa taping. On the production at sa mga artista, 'yun 'yung mamimiss ko. At saka ang sarap makipag-kuwentuhan kasi usually, ako, sa set natutulog lang ako, nagbabasa ako ng libro, pero dito naging kaibigan ko na rin silang lahat.” Pero kahit gaano pa niya mami-miss ang All About Eve, masaya pa rin siya dahil darating na din sa bansa ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Yasmien Espiritu sa June. Isang Fine Arts student sa Milan, Italy si Yasmien at nakatakda itong magtapos this year. This means na uuwi na for good dito ang dalaga. "Halos hilahin ko na nga ang araw. Pagdating niya rito, hindi muna ako tatanggap ng work. I'll spend time with her and her family. Siguro, pupunta muna kami sa Boracay kapag okay na siya," ang excited na kuwento ng aktor. Almost six months na ang relasyon nila, dahil sinagot siya ng dalaga noong December 20, 2008. Inaasahan naman na tutulungan ni Yasmien si Alfred sa pangangampanya nito sa kanyang pagtakbo bilang councilor ng second district ng Quezon City next year. “I'm sure, tutulungan niya akong mangampanya,” ang confident na pagtatapos ni Alfred. Sa tingin ninyo, si Yasmien na nga ba ang right girl para kay Alfred? Talk about this topic sa iGMA forums. Alamin ang latest kay Alfred! Text ALFRED and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)