Showbiz News

JC de Vera on Rhian Ramos: 'It's complicated.'

Kamakailan lang naging matunog na ang dalawang lead ng 'LaLola' na sina JC de Vera at Rhian Ramos ay couple na. Pero kamusta na ba talaga ang relationship ng dalawa? Text by Erick Mataverde with additional interview by Connie M. Tungul. Photos by Mitch S. Mauricio. "May trabaho eh, busy sa Zorro eh, ang banggit ni JC de Vera sa mga reporter nang tanungin siya about Rhian Ramos. "Ako naman, happy naman ako sa kanya dahil busy siya. At least may ginagawa siya, hindi ba?" Pero may contact pa naman silang dalawa, ani JC: "Once in a while, text-text, 'pag wala siyang ginagawa, nagte-text naman. Eh, since busy, okay lang, eh ako busy rin naman ako kaka-bakasyon." Sagot naman ni JC nang tanungin kung ano talaga ang status nilang dalawa ni Rhian: "Ay, it's complicated! "Hindi—good friends, good friends kami. Ano lang, nagkakaano lang, nagkakaproblema lang dahil siyempre, minsan hindi naman kayo nagkikita, hindi naman kayo nagkakausap pero ok lang 'yon kasi part 'yon ng work namin eh. Kailangan namin mag-sacrifice ng gano'n. Talagang buwan mong hindi makikita 'yung tao." Inadmit naman ni JC na naging maganda naman talaga ang relationship nila: "Hindi, nag-18 na kasi [siya], eh. Nag-mature na kasi siya, tapos sineryoso niya 'yung work, 'yung LaLola, sobrang sineryoso niya 'yon. Eh ako, since nakatrabaho ko siya, siyempre gusto ko rin naman siyang suportahan na galingan ko din. Mas naging ano, dun kami naging close talaga." Inexplain naman ni JC na after LaLola, hindi na talaga sila nagkaroon ng time sa isa't-isa. "Nung time naman kasi na bakasyon ako, siya naman 'yung maraming work," paliwanag niya. "Actually, hanggang ngayon mas marami pa rin siyang trabaho kaysa sa akin. Doble-doble 'yung mga ginagawa niya eh so may raket dito, may show dyan, may movie doon, so—pero ok lang kasi naiintindihan ko naman. Marami na ngang trabaho 'yung tao, manggugulo ka pa." Ngunit kung nagkakalabuan na sila ni Rhian, may girlfriend na ba siyang bago? "Wala pa. Ngayon ano, ewan ko ba, ayoko showbiz eh, pero gusto ko, na-miss ko 'yung work eh. Kaya tingnan mo o, sobrang saya ko nung pumasok dito [sa Ngayon at Kailanman]: 'Yehey! Wo-work na ako!'" Kanya naman nilinaw niya na ang pagiging mapili niya ngayon ay sa magiging girlfriend niya, pero 'pag dating sa magiging leading lady, go siya kahit kanino: "Okay lang. Wala, wala—ako naman, hindi naman ako mapili sa mga makakasama ko eh, as long as maganda 'yung outcome nung show, okay ako." Pag-usapan si JC at Rhian! Just log on to the iGMA Forum! Not yet an iGMA.tv All Access member? Register here! Makibalita deretso kay JC de Vera! Text JC [Your Message] Send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.