Showbiz News

Mark Anthony makes a promise

Sa pagtatapos ng “All About Eve” this week, mami-miss ng actor ang cast at staff, but he is ready to move on to his next project. Ano kaya ito? Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "Para sa akin, slahat ng ending [or] last day ng show, ito 'yung pinaka-light." Ito ang pahayag ni Mark Anthony Fernandez sa last taping day ng All About Eve. "Though may sadness ng kaunti, mararamdaman mo sa atmosphere namin na may konting happiness din. "Natapos namin 'yung show ng maayos kaya nakatutuwa." It's 10 in the evening at kahit na marami pa silang kukunan, hyper pa rin si Mark Anthony. That said, hyper pa rin ang karamihan sa cast—except for Sunshine Dizon na gising na since 3 a.m. dahil sa Unang Hirit. Kung sa bagay, last taping day na nga kasi ng All About Eve. "'Yung behind the scenes [dito], lahat cool," kwento ni Mark Anthony. Kaya nga daw siguradong mami-miss niya ang cast at staff ng show. "Okay talaga sila, mababait talaga—nakakatuwa silang kasama." Dagdag pa niya, "every time na kasama mo sila, you want to bring out the best in you. Gusto mo silang i-please din; na ipakita na marunong ka rin. 'Yung feeling na you want to do better when they're there? It's a good thing." With the show now on its finale week, Mark Anthony reveals na okay pa rin naman daw ang character niyang si Kenneth. But he does leave a very confusing teaser—"na-figure out naman niya kung paano hindi maging Kenneth." Does that have something to do with his very rocky relationship with Nicole (portrayed by Iza Calzado)? "Magkakatuluyan sila," he reassures. "Pero hindi. Basta abangan nila kung papaano mabubuo." Parang pinaikot lang tayo ni Mark Anthony ano? That's because ayaw niyang i-preempt kung ano ang mangyayari in the remaining episodes the show. Pero, sa mga narinig namin, may isa pang ayaw i-preempt si Mark Anthony: ang title ng susunod niyang show. Ang next project ko is just preparation," ang pang-tease na sagot ng aktor when we asked about his next television show. "Sabihin na natin na tunug-tunog pa lang—ayaw pa ng official statement." Ano nga ba ang tumutunog-tunog na project for Mark Anthony? Malalaman na yan when GMA Telebabad's cinema plug premieres. Sa ngayon, makuntento na lang muna tayo sa isang message from Mark Anthony: "Gusto ko sabihin sa kanila na maraming salamat sa pag suporta nila. At asahan nila na we will always try to top this project. Ito 'yung magiging gauge namin. And sana ‘wag silang magsawa ‘pag pinapaiyak namin sila, pinapatibok namin ang puso nila minsan. Asahan nila [na] ‘pag lalabas kami, at kami ang magkakasama ulit, malamang ganoong timpla ulit ang makikita nila." Don't miss the finale week of All About Eve all this week sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Totoy Bato.