Showbiz News

Ibibigay ni Marian Rivera ang lahat para sa 'Darna'

Puspusan ang page-ensayo ni Marian Rivera para sa kanyang newest character, si "Darna." Ilang mga artista na rin ang nag-portray ng popular role na ito. Handa na ba siyang ma-compare siya sa mga nakaraang Darna? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio Isang fictional character na hango sa imahinasyon ni Mars Ravelo, si Darna ay isa sa mga pinakasikat na characters at heroines ng ating kultura. Nagsimulang mabuhay sa ating imahinasyon si Darna noong 1950 at marami-rami na ring kwento at versions ang nasulat about this cultural icon. Ilang beses na rin itong binigyang buhay ng iba’t ibang artista and to-date si Marian Rivera ang pinakabagong lilipad at sisigaw ng “Darna!” Pero handa nga ba si Marian na ma-compare sa mga naunang naging Darna? “Kahit naman siguro hindi ako ang magiging Darna, e kino-compare pa rin ang bawat artista sa ibang artista, so okay lang ‘yon. Ganon naman talaga ang patakaran natin dito sa showbiz na, ikukumpara ka, ‘mas mahigit ‘to, mas maganda ‘to.’ Ako siguro, masasabi ko na may sarili naman akong personalidad na maipagmamalaki ko rin naman,” ang kalmadong paliwanag ng aktres. Idinagdag pa niya na natural lang daw na ikumpara siya kay Angel Locsin na siyang huling gumanap na Darna noong 2005. Pero may kaibahan nga ba ang pagganap niya sa mga nagsuot ng Darna costumes in the past? “Actually hindi ko masasagot kung ano 'yung kaibahan kasi hindi ko pa rin nalalaman 'yung story, kung pano gagawin nilang atake. Kung paano, kung sino ang mga kalaban ko, kung sino mga kasama ko, so mahirap magsabi na ‘ay, eto lamang ko sa kanila, ay eto wala.’ Siguro sabihin na lang natin na kung nagawa ko 'yung Marimar at ang Dyesebel na binigay ko lahat, dito rin sa Darna, ibibigay ko din lahat.” And true to her word ibinibigay na nga ni Marian ang lahat para maging mahusay na Darna. Sa training pa lang, seryosong-seryoso siya, kahit na magkapasa-pasa ang katawan niya sa pagsasanay sa martial arts at pagsusuot ng harness. “Totoo po palang napakahirap ng pagsusuot ng harness, hindi biro kaya dinidibdib ko ito,” ang kwento ni Marian. “Kailangang ihanda ko 'yung sarili ko dito, 'yung pag-iisip ko, 'yung emosyon ko, lahat-lahat. Pati pisikal, siguro kailangang lahat ‘yon handa ako,” ang nakangiting pagtatapos ni Marian. Kaya bang tapatan ni Marian ang mga previous na Darna? Share your view sa iGMA forum. Pwede ka ring makakuha ng updates mula kay Marian! Text MARIAN and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.) For more features on Marian Rivera watch the following videos: Si Marian Rivera ang bagong Darna Marian Rivera tuloy-tuloy na ang pagpapa-sexy Sabay-Sabay Tayo – a certified hit!