Showbiz News

WATCH: Edgar Allan Guzman, nailang sa kanyang 'Mia' co-star na si Coleen Garcia?

By Bianca Geli

Sa unang pagkakataon, magtatambal sa takilya ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman at ang Kapamilya actress na si Coleen Garcia.

EA Guzman

Edgar Allan Guzman Taking the Lead

Kilala si Coleen bilang asawa ni Billy Crawford, na kaibigan din ni EA. Nakaramdam ba ang aktor ng pagkailang kay Coleen dahil may asawa na ito?

Sagot ni EA sa kanilang press con, “Siguro wala naman akong dapat ipaalam kay Billy pero bilang kaibigan ko siya, siyempre may respeto ako, idol ko kasi si Billy eh.

Dagdag niya, “Every project na may katrabaho akong babae, kung sino man 'yung boyfriend o asawa nagsasabi talaga ako na trabaho lang ito…even noon kay Rayver at Janine [for Dragon Lady]. It's a matter of respect lang, ipapakita ko sa kaniya na hindi siya dapat mag-isip kasi harmless naman ako at si Billy hindi naman siya immature para hindi makaintindi na it's for work. Nasabi lang siguro nila na na-conscious ako kasi kapag nandiyan si Billy, nasa gilid lang ako, time din nila 'yun para sa kanilang dalawa.”

Kuwento rin ni EA, ang pinaka naging challenge para sa kaniya ay ang kaniyang mga eksena sa Mia na may mahahabang dialogue at maraming scientific terms dahil sa kaniyang role bilang scientist. First time rin daw ni EA na mag-motor para sa isang eksena.

Kapuso Showbiz News: Edgar Allan Guzman, bakit nahirapan sa role sa 'Mia'?

Kapuso Showbiz News: Edgar Allan Guzman, nag-propose na kay Shaira Diaz?