Sinu-sino ang mga babae na naging bahagi ng buhay ni Mark Anthony Fernandez? Kilalanin sila sa gallery na ito.
Si Mark Anthony ang first big love at first real heartbreak ni Claudine Barretto. Tumagal ang kanilang relasyon nang tatlong taon. Ayon sa aktres, maliban sa kanilang kabataan, nagkahiwalay sila dahil na rin sa drug addiction ng aktor nang mga panahong nagsama sila.
Ikinasal si Mark Anthony kay Melissa Garcia noong 2006. Nauwi man sa hiwalayan ang kanilang pagsasama, nagkaroon sila ng dalawang anak.
Naging leading lady ni Mark Anthony si Sunshine Dizon sa Kapuso drama na 'Impostora.' Muli rin silang nagkatrabaho sa 'All About Eve.'
Pinakilig naman ni Mark Anthony bilang si Cyrus Ruiz si Regine Velasquez sa Philippine remake ng rom-com na 'Ako si Kim Samsoon.'
Naging magkatambal din sina Mark Anthony at Heart Evangelista sa fantasy-romance-drama na 'Luna Mystika.'
Naging on-screen partners din sina Mark Anthony at Iza Calzado sa 'All About Eve.'
Childhood sweethearts ang characters nina Mark Anthony at Marian Rivera sa 'Darna.'
Naging leading lady rin ni Mark Anthony si Lovi Poe sa isang episode ng 'Love Bug' at sa 'Little Star' sa Kapuso network.
Isa si Camille Prats sa madalas maging leading lady ni Mark Anthony. Nagsama ang dalawang artista sa Kapuso shows na 'Munting Heredera,' 'Bukod Kang Pinagpala,' at 'Wish I May.' Ani Mark, tila lucky charm niya si Camille.
Ang huling isinapubliko na relasyon ni Mark Anthony ay ang pagsasama nila ng modelong si Diana. Ayon sa actor ay siya na ang kanyang soulmate.
Marami mang babae na naging bahagi ng buhay ni Mark Anthony, wala pa ring papalit sa kanyang ina na si Alma Moreno.