Showbiz News

Iza Calzado, ready na kay Sen. Bong Revilla

Sa film remake ng epic character na Panday, isa si Iza Calzado sa mga leading ladies ni Sen. Bong Revilla. Meant as an entry for the Metro Manila Film Festival (MMFF), excited si Iza na una nilang pagtatambal ni Sen. Bong. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Excited na excited si Iza Calzado about her project with Sen. Bong, ang film remake ng Ang Panday. Noong una, hindi siya makapaniwala na she is being considered by the actor-politician para makatambal sa nasabing pelikula. “Masaya ako," bungad niya during an exclusive iGMA interview. "Bawa't proyekto na ibigay sa akin, masaya ako lalo na kung maganda 'yung role. Siyempre kung ako yung mapipili, sobra akong matutuwa kasi mahilig ako sa action scenes, 'yun 'yung magiging hiling ko dyan. I’m always up for a physical challenge kasi gusto ko rin i-test kung hanggang saan ‘yung kaya ko so sabi ko, kung ako 'yung mapili ng production para makasama ni Sen. Bong Revilla sa Panday, pag-iigihan ko talaga 'yun.” Kaya naman nang lumabas na nga ang balita na siya na nga ang choice ni Sen. Bong as one of his love interests in the story, (Rhian Ramos being the other leading lady), maraming press people ang nagtanong kung ready na nga ba si Iza na makipag-kissing scene sa batang senador. "Natural na may mga ganyang eksena. Okey lang, kasi it's not the first time naman na mahahalikan ako sa pelikula. Pero siyempre, iba ito dahil isang senador ang makakaeksena ko. But knowing Sen. Bong, he is a gentleman at alam ko na walang mangyayari sa aking masama. And I trust our directors na sina Direk Mac [Alejandre] and Direk Rico [Gutierrez]. Alam ko na lalabas na maganda ang eksena namin ni Senator Bong," ang direct-to-the-point na sagot ng magaling na aktres. Pag-usapan ang pagbabalik ng Panday sa iGMA Forum. Puwede ka ring humingi ng update about the movie from Iza thru her Fanatxt service. Text IZA and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)