GMA Logo
What's Hot

READ: Kim Domingo may mensahe sa mga taong rumespeto sa kanyang desisyon na tumigil sa pagpapa-sexy

By Aedrianne Acar
Published January 8, 2020 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Kim Domingo sa kanyang change of image: “Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sa'yo.” Read more:

Bumuhos ang emosyon ng Kapuso actress Kim Domingo sa kanyang Instagram New Year's post kung saan binalikan niya ang mga nangyari sa kanya noong 2019.

MUST-READ: Kim Domingo, titigil na nga ba sa pagpapa-sexy?

Bukod sa pasasalamat niya sa mga natanggap na blessing, binigyan-diin niya sa kanyang Instagram post ang malaking pagbabago sa kanyang buhay matapos siyang mag-desisyon na magpalit ng image.

Paliwanag ng Bubble Gang comedian, “Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko nung 2019. 'Yung mga biyaya na mas madami pa sa inaasahan ko. Gusto ko din mag "thank you" sa mga taong hanggang ngayon [ay] sumusuporta sa 'kin, nagmamahal. Kahit medyo nagbalot-balot na'ko andyan pa din.

“Kayo ang patunay na hindi pisikal ang inyong minahal sa akin kundi kung ano talaga ako. Salamat din sa respeto.”

Dagdag ni Kim na masarap sa pakiramdam na mas maraming tao na “rumerespeto” sa kanya ngayong iniwan na niya ang pagpapa-sexy.

“...Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sa'yo. Mas masarap pa kesa sa feeling ko noon nung mga panahon na pinagpipyestahan ako ng mga tao dahil sa pisikal na naipapakita ko sa madla.

“Pero gusto ko din mag "thank you" sa mga taong 'yun dahil kung hindi din dahil sa kanila walang Kim Domingo.”

May maganda ding balita si Kim sa mga fans niya, dahil malapit na din niyang pasukin ang mundo ng vlogging with her own YouTube channel.

Aniya, “Kulang ang salitang "thank you" sa inyong lahat. Ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa'kin hanggang ngayon ay maituturing kong malaking biyaya. Isa kayo sa aking inspirasyon para pagbutihin ko pa ang aking mga ginagawa.

“Sana samahan n'yo pa din ako sa panibagong taon na naman ng aking buhay. Mahal ko kayong lahat. ️ Ang dami din nagre-request na mag vlog na ako. And I'm happy to announce na soon mapapanood nyo na ang aking first vlog!️ SUBSCRIBE na sa aking YouTube Channel."

Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko nung 2019. Yung mga biyaya na mas madami pa sa inaasahan ko. Gusto ko din mag thank you sa mga taong hanggang ngayon sumusuporta sakin, nagmamahal. Kahit medyo nagbalot-balot nako andyan pa din. 🤪 Kayo ang patunay na hindi pisikal ang inyong minahal sa akin kundi kung ano talaga ako. Salamat din sa respeto. Respeto sa naging desisyon ko. Respeto sa pagbabago na nais ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sayo. Mas masarap pa kesa sa feeling ko noon nung mga panahon na pinagpipyestahan ako ng mga tao dahil sa pisikal na naipapakita ko sa madla. Pero gusto ko din mag thank you sa mga taong yun dahil kung hindi din dahil sakanila walang Kim Domingo 😊 Kulang ang salitang thank you sa inyong lahat. Ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin hanggang ngayon ay maituturing kong malaking biyaya. Isa kayo sa aking inspirasyon para pagbutihin ko pa ang aking mga ginagawa. Sana samahan nyo pa din ako sa panibagong taon nanaman ng aking buhay. Mahal ko kayong lahat ❤️ Ang dami din nagrerequest na mag vlog na ako. And I'm happy to announce na soon mapapanood nyo na ang aking first vlog !☺️ SUBSCRIBE na sa aking Youtube Channel. Link in my bio 🌷

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_) on


Ilang celebrities naman ang nag-bigay suporta sa Bubble Gang star matapos mabasa ang post niya tulad na lang ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.