Showbiz News

EXCLUSIVE: Handa na ba si Bianca Umali sa mature roles?

By Maine Aquino

Marami ang nakakapansin ang pagpo-post ni Bianca Umali ng ilang sexy photos online kaya naman inalam ng GMANetwork.com kung ito na ba ang senyales na handa na siya na tumanggap ng mas mature na roles.

Bianca Umali


Kuwento ng Kapuso star, hindi niya intensyon na magkaroon ng mature roles.

"To more mature roles, I don't want to say that I am aiming for that. But I think marami ang mga roles na handa na akong gawin."

Dagdag pa niya ay handa man siya sa iba't ibang roles, magkakaroon pa rin siya ng mga limitasyon.

"Again, hindi ko intention maging sexy, but if it's needed or if it's asked for sa trabaho, of course I still have and will forever have limitations.

"But I will do as much as I can sa kung ano 'yung hinihingi sa akin. Kasi ganon ko kamahal 'yung trabaho ko, 'yung craft ko. But it's not, hindi goal para sa akin ang magpa-sexy."

Panoorin ang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Bianca



Bianca Umali sets internet ablaze with new bikini photo