Showbiz News

WATCH: Ed Caluag, may naramdamang 'entities' sa set ng '#MPK'

By Marah Ruiz

Sasabak sa aktingan si paranormal investigator Ed Caluag para bigyang buhay ang sarili niyang life story sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Habang nasa set para sa taping, ibinahagi ni Ed na nakaramdam siya ng 'entities.'

"Mayroon kasing isang scene na parang may ihi-heal akong sinasaniban. Doon sa area kasi medyo mapuno.

"Before namin ginawa 'yun, gumawa ako ng simpleng ritwal kasi may mga nakita akong mga entities doon sa paligid. Ayaw kong maka-attract ng tunay na sanib," paliwanag ng paranormal investigator.

Sa pagbabahagi ni Ed ng kanyang buhay sa #MPK, umaasa siyang may matutunan dito ang mga manonood.

"Mas gusto ko sana, mag-focus sila na makita nila 'yung lesson na hindi ka dapat sumusuko sa kung ano 'yung gusto mo sa buhay," pahayag niya.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.

Samantala, tunghayan ang pagganap ni Ed sa kanyang sarili sa "Sa Aking mga Mata: The Ed Caluag Story" ngayong Sabado, January 11, sa #MPK.

WATCH: Ed Caluag, gaganap sa sarili niyang talambuhay sa '#MPK'

IN PHOTOS: Ed Caluag bilang kanyang sarili sa '#MPK'