
Personal na nagtungo ang Kapuso actor na si Derek Ramsay para maghatid ng relief goods sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal, nitong Martes, January 14.
Pumunta si Derek sa evacuation center sa Inosloban-Marawoy Elementary School sa Lipa City at personal na namigay ng packed relief goods.
Pinagkaguluhan din si Derek at maraming nagpakuha ng litrato kasama siya.
Ayon sa aktor, may bahay siya at kanyang pamilya sa Tagaytay kaya kahit sila ay nalungkot sa sinapit ng kanyang bayan.
Malaki rin ang simpatya niya sa mga nabiktima ng pag-aalburoto ng bulkan.
Nanawagan din si Derek sa publiko na tumulong sa kahit anong paraan na kaya nila.
Kaugnay nito, ipinost niya ang listahan ng evacuation centers sa Lipa sa kanyang social media accounts para sa mga nais na magbigay ng tulong sa mga nasalanta.
Panoorin ang pagbisita ni Derek sa evacuation center:
LOOK: Dingdong Dantes and other celebrities spread awareness about Taal Volcano eruption
IN PHOTOS: Celebrities send prayers, reminders amid Taal Volcano unrest