Showbiz News

WATCH: Dasuri Choi recalls meeting Alden Richards in 'Eat Bulaga'

By Marah Ruiz

Binalikan ni dancer at "Foreignay" Dasuri Choi ang unang beses niyang makita si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Una daw niya itong nakita nang sumali siya sa 'That's My Foreignay' segment ng noontime show na Eat Bulaga.

Inilarawan niya ang aktor bilang "sobrang bango."

"Na meet ko siya sa Eat Bulaga dati. Bineso niya ako tapos naamoy ko 'yung perfume niya. Sobrang bango!

"Hindi perfume 'yun eh. Parang from the baby skin niya, sobrang bango," pahayag ni Dasuri.

Bukod dito, napaka "gentle" din daw ni Alden.

"Tapos sobrang gentle (niya) sa lahat ng staff sa Eat Bulaga so siyempre crush ko siya noong time na 'yun," aniya.

Isa si Alden sa mga lalaki na nabanggit ni Dasuri sa kanyang "Jojowain o Totropahin Challenge."

"Why not? Jowain ko na lang siya. May chance pa ba 'ko?" biro niya.

Panoorin ang buong vlog ni Dasuri sa kanyang "Jojowain o Totropahin Challenge" kung saan nabanggit niya ang iba pang Pinoy leading men tulad nina James Reid, Coco Martin, at Piolo Pascual.

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, reunited sa kanyang "puppy love" sa set ng 'The Gift'

WATCH: Richard Juan, Dasuri Choi at Natalia Moon, nag-Crab Dance!