What's Hot

WATCH: Alden Richards, personal na naghatid ng tulong sa ilang evacuation centers sa Batangas

By Marah Ruiz
Published January 23, 2020 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News



Pumunta si Alden Richards sa mga evacuation centers sa Alitagtag at Mataas na Kahoy sa Batangas. "Kailangan pa nila ng tulong. Sana hindi matapos lang sa isang bigayan. We have to continue."

Personal na bumisita si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa ilang evacuation centers sa Batangas para maghatid ng tulong.

Alden Richards
Alden Richards


Pumunta siya sa Alitagtag at Mataas na Kahoy sa Batangas kung saan lumikas ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

"Mahaba-haba pong tulungan 'to. Sana huwag tayong magsawa and we continue doing relief operations for the evacuees sa Taal area especially sa Batangas. Sa mga gustong tumulong, sana i-ready pa natin 'yung mga pwede nating itulong sa kanila para tulo-tuloy lang. Nakita ko eh. I was there noong nakapunta ako sa different evacuation areas. Kailangan pa nila ng tulong. Sana hindi matapos lang sa isang bigayan. We have to continue," pahayag niya.

May paalala naman si Alden sa mga taong nakatira malapit sa bulkan.

"Sa mga malapit sa area, please take extra caution. Makining po tayo sa awtoridad (at) sa mga notice nila. If we have to leave, we leave kasi safety first," paalala niya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.





Alden Richards, tahimik ang pagtulong sa Taal evacuees

LOOK: Dingdong Dantes at Rocco Nacino, nakibahagi sa relief operations sa Batangas