Showbiz News

Dina Bonnevie, pinuri si Coney Reyes sa pagiging mabuting magulang

By Nherz Almo

Bahagyang napadalawang-isip si Dina Bonnevie nang tanungin kung naranasan na niya sa totoong buhay ang kuwento ng karakter niya sa Anak ni Waray Vs Anak ni Biday.

Dina Bonnevie

Sa press conference ng Anak ni Waray Vs Anak ni Biday noong Martes, January 21, tinanong ang mga aktor nito kung naranasan na nilang makaaway ang isang matalik na kaibigan.

“Sasagutin ko ba 'yan?” paunang tanong ni Dina.

Pagkatapos ay sinabi ng batikang aktres, “Well, I think my life is an open book.

“Alam naman ng lahat na mayroon akong friend na naging magkaaway kami before because of my partner, my husband. Nagkaanak din sila.

“Of course, it was painful. Inabot din ng ilang years bago kami nagkabati.

“But God is good, we forgave each other.”

Ayon kay Dina, nagpapasalamat pa siya sa kanyang matalik na kaibigan dahil naging tulay pa siya para mas lalong mapalapit sa Diyos nang magkabati sila.

Aniya, “And now, actually, I admire her because she's really a wonderful person.

“Kaya ko rin siya naging kaibigan noon, you know. But we are not perfect people, we make mistakes.

“I really admire her, especially now that she's a very successful mother.

“She has devoted her time to the Lord.

“So, dahil din sa kanya, naging Christian ako. So, maganda at maayos ang pagiging magkaibigan namin muli, nagpapasalamat ako.”

Bagamat hindi tinukoy ni Dina ang kaibigang aktres, tinanong siya ng reporter na si Gorgy Rula kung si Coney Reyes ito sa hiwalay na panayam.

Hindi ito direktang sinagot ni Dina. Sa halip, sabi niya, “Dati naman kaming friends. Pero ngayon okay naman kami.”

Ayon kay Dina, noong una raw ay hindi siya makapaniwala na magkakaayos sila ni Coney, lalo pa't magiging daan para maging mas malapit sa Diyos.

“Actually, surprisingly… I was going already to that church and then, niyaya niya ako. Sabi niya, 'Come, join me.' [Ako naman], 'Totoo ba 'to?'”

“God is good. Parang He really finds a way to heal your heart and to heal relationships,” sabi niya.

“And parang, from how she was before and now, kapuri-puri talaga.

“I admire her and talagang friends na kami.”

Si Dina ang dating asawa ni Vic Sotto. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak, sina Danica at Oyo.

Samantala, si Coney ay ina ng anak ni Vic na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

LOOK: Vic Sotto and Coney Reyes attend son Vico Sotto's oath-taking