Showbiz News

WATCH: Kapuso celebrities, suwerte kaya ngayong Year of the Metal Rat?

By Dianara Alegre

Ang taong 2020 ay Year of the Metal Rat ayon sa Chinese Lunar Calendar at ngayong Chinese New Year, narito ang umano'y magiging kapalaran ng ilang Kapuso celebrities na ipinanganak sa Year of the Rat, ayon sa Feng Shui expert na si Madam Suzette Arandela:

Marian Rivera

“Sa love, 'yung nakikita ko sa kanya, very stable ang relationship niya sa kanyang asawa and then, also sa mga anak.

“Sa kanyang career, marami akong nakikitang offer. Pero 'yung nakikita ko sa kanya, mas pipiliin niya muna na mag-slow down sa career and then focus siya sa kanyang family.”

Sanya Lopez

“Sa love, 'yung nakikita ko kay Sanya, medyo slow down pagdating sa love. Mayroon siyang fear pero kung mayroon man akong nakikita nag-a-admire sa kanya. So nasa discretion niya na 'yon kung magfo-focus siya sa love o hindi.

“Maganda 'yung nakikita kong career sa kanya kasi may mga offer na magiging booming.”

Paolo Contis

“Sa love, 'yung nakikita ko sa kanya, very challenging. So kailangan din 'wag siya mainitin ang ulo, bigyan niya ng panahon ang kanyang love life.

“It's a good time for him to open a business, bumili ng investment.

“Sa health niya, ang magiging problema, 'yung driving. Prone siya sa accident.”

Manilyn Reynes

“Excellent ang kanyang love life, very smooth sailing.

“May another program na magdadala sa kanyang pagiging successful sa career.

“Be careful when it comes sa kanyang health, especially sa lungs.”

Dagdag payo ni Madam Suzette: “Alam mo ang prediction, it's only a guidance. Be charitable, tumulong sa kapwa. Kapag gumawa kayo ng kabutihan, at isang number one na talagang alam kong very strong ay ang pagdadasal.”

Kung Hei Fat Choi, mga Kapuso!


11 ancient Chinese New Year traditions that are not observed anymore

Chinese New Year traditions and superstitions you need to know