Showbiz News

WATCH: Jak Roberto, gagampanan mamaya ang kanyang unang gay role sa '#MPK'

By Aaron Brennt Eusebio

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang showbiz career, gaganap bilang miyembro ng LGBTQIA+ community ang Kapuso hunk na si Jak Roberto.

Bibida si Jak, kasama sina Dave Bornea at Raphael Robes, sa istorya ng #MPK na pinamagatang Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot.

Magpakailanman presents "Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot"

Isang bisexual ang karakter ni Jak sa #MPK na mapapanood mamayang gabi. Openly gay naman si Dave samantalang closeted gay si Raphael.

"Nag-isip ako ng peg, at the same time, in-apply ko 'yung ginagawa namin sa workshop," kuwento ni Jak.

Kinuwento rin ni Jak kung ano ang reaksyon ng kasintahan niyang si Barbie Forteza nang malaman na magkakaroon siya ng ganitong klaseng role.

"Ay! Proud na proud ang mama!" nakakatuwang kuwento ni Jak.

"Nung nakita niya ako, sabi niya, 'Go mumsh!"

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:


Panoorin ang #MPK mamaya, pagkatapos ng Daddy's Gurl

IN PHOTOS: Mga mangingisdang beki sa '#MPK'