Showbiz News

Powerhouse cast ang line-up ng bagong 'Darna' series

Naging isang makahulugang pulong ang Darna story conference kagabi, July 1, 2009, nang i-introduce ng GMA Network ang cast at istorya ng pinakaabangang pagbabalik ng paborito nating superhero sa telebisyon. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio. Ang cast ay pinangungunahan ni Marian Rivera, bilang Narda at Darna; Mark Anthony Fernandez, as Eduardo; si Iwa Moto, bilang Valentina; Paolo Contis, as Kobra; si Angel Aquino, as the previous Darna; Alfred Vargas, bilang Tristan; at Celia Rodriguez, sa papel na Perfecta. Kabilang din sa stellar line-up na ito ay sila Nadine Samonte, Ehra Madrigal, Francine Prieto, Robert 'Buboy' Villar, Raymart Santiago, Jestoni Alarcon, Rita Avila , Janice de Belen, Bearwin Meilly, Roxanne Barcelo, at Caridad Sanchez. "This is a very huge project, simula nung nag-number one ang GMA, ito ang first time gagawa ng panibago—gagawa tayo ng iba. This is a re-imagining of Darna. May ibibigay tayo na bago, hindi lang bagong mukha ni Darna, pero may bago tayong ibibigay na pag makita [ng audience, sasabihin nila], 'Eh tama naman pala gumawa ng bagong Darna!' Ganyan ang attitude natin," ang pahayag ni Direk Dominic Zapata sa cast kagabi. Kabilang siya sa dalawang direktor ng show, kasama si Don Michael Perez. Ang creative team naman ay pinamumunuan din ni Jun Lana bilang headwriter. "Actually, nakakatuwa. Halos lahat ng cast eh talagang malapit sa puso ko—andyan si Nanay Rita, andyan sila Nadine, tapos si Ehra. So halos lahat sila talagang malapit sa puso ko at laking pasasalamat ko at tinanggap din nila 'yung project kung saan makakasama ako," ang banggit ni Marian matapos ipakilala sa kanya ang kanyang mga co-star. Malapit nang lumipad ang inyong pinananabikang Pinay hero! Keep logged on to iGMA for more updates. Kamustahin ating very own Darna! Text MARIAN [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS (Wallpaper) just text GOMMS MARIAN to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. Pag-usapan si Marian Rivera bilang si Darna! Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!