Showbiz News

LJ Reyes: 'Ako 'yung inagawan'

Pagkatapos magpaka-maton at maging boksingera, aagawin naman ngayon ni LJ Reyes si Aljur Abrenica mula sa piling ni Kris Bernal. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "Bakit? Kami naman 'yung naunang magkakilala," LJ Reyes defends. Totoo nga naman, bilang si Maricar, siya ang unang mamahalin ng character ni Aljur Abrenica na si Jules na kabanda niya sa Shooting Stars. "Feeling ko talaga, ako 'yung inagawan," natatawang sambit sa amin ni LJ during the pictorial ng All My Life. Fresh from playing Gilette sa Totoy Bato, LJ says she's facing a new challenge sa kanyang pag-portray bilang Maricar: "From Gilette kasi—wala kasi siya masyadong ginagawa sa buhay. Wala siya masyadong hinanakit, mabait siya, ganyan. Lagi lang siyang nakasuporta sa ate niya. "Pero with Maricar, marami siyang ambitions eh." Kuwento pa ni LJ, mas rooted sa reality niya ang character ni Maricar. "Bokalista ako ng isang banda, na nangangarap talaga na sumikat 'yung banda niya." At bilang isang normal na babae si Maricar, "normal din na ma-in love ka sa one of your fellow band members." And this is before Romina (Kris Bernal) returns sa buhay ni Jules. Hindi nga naman kasi alam ni Maricar ang past ng dalawa, hindi ba? Sa bagong project na ito, LJ says she's very excited: "Kasi siyempre matinding actingan na naman 'to. And I'm very proud to be included in the cast of All My Life, kasi alam kong talagang pinaghandaan ng GMA talaga, pinagkatrabahuhan talaga nila ng mabuti 'yung [show]—from the director, to the staff, to the all the stars." Saan ka pa, 'di ba? Kaya 'wag palampasin ang All My Life every afternoon--bago mag-24 Oras! And be updated sa mga ginagawa ni LJ through Fanatxt! Just text LJ to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)