Showbiz News

WATCH: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, natawa sa kanilang throwback photos

By Dianara Alegre

Natawa sa kanilang throwback photos ang Kapuso power couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nang makita ang dati nilang magazine cover photos.

Sa ginanap na Cosmopolitan Philippines pictorial kamakailan nina Jennylyn at Dennis ay muli nilang binalikan ang kanilang magazine cover photo na kinunan 15 years ago.

“Grabe ang tagal na niyan. Bata pa ako niyan nang lumabas. Mukha pa akong totoy diyan,” sabi ni Dennis nang makita niya ang sexy centerfold niya noong 2005.

Si Jennylyn naman ay naluha sa katatawa nang muling makita ang una niyang cover photo para sa Cosmopolitan Philippines noong 2007.

“Parang hindi ako. 'Tsaka ang nipis ng kilay ko. Noon kasi, nu'ng mga panahon namin, uso talaga. 'Tsaka ang laki ng mukha ko d'yan.

“Oh my, God! Naiiyak ako sa katatawa,” sabi naman ni Jennylyn.


Samantala, handing-handa na rin ang DenJen sa kanilang nalalapit na CoLove Live! concert sa February 15, sa New Frontier Theater.

Panoorin ang nakatutuwang pa-throwback ng DenJen 24 Oras:


WATCH: How in sync are Jennylyn Mercado and Dennis Trillo?

READ: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's 'Co Love Live' concert details