Showbiz News

Lovi Poe wins best actress; other Kapuso stars bag awards at 2020 Gawad Lasallianeta

By Aaron Brennt Eusebio

Kinilala ang husay ng Kapuso actress na si Lovi Poe sa katatapos lang na 3rd Gawad Lasallianeta na ginanap sa De La Salle Araneta University Institutional Activity Center sa Malabon City.

Tinanggap ni Lovi ang Most Outstanding Performance by Actress para sa natatangi niyang pagganap sa episode ng '#MPK' na "Ang Asawang Naging Kabit."


Personal naman na tinanggap nina Michelle Dee at Lyn Ching ang Gawad Lasallianeta Green Zeal Awards for Excellence.


Kabilang din sa nakatanggap ng Green Zeal Awards for Excellence ay sina Carla Abellana, Drew Arellano, Iya Villania-Arellano, at Ryan Agoncillo.

Wagi rin si Kara David bilang Most Outstanding Female Documentarist para sa Brigada at I-Witness, na nag-uwi ng Most Outstanding Documentary TV Show.



Pinarangalan din ang 24 Oras anchor na si Mike Enriquez at State of the Nation anchor Jessica Soho bilang Most Outstanding Male and Female News Anchor.

Isa pang pagkilala ang natanggap ni Jessica Soho dahil kinilala rin siya bilang Most Outstanding Magazine Show Host para sa Kapuso Mo, Jessica Soho, na nagwagi rin bilang Most Outstanding Feature / Magazine Show.

Hinirang naman na Most Influencial Facebook Page ang Kapuso Mo, Jessica Soho, samantalang binigyang pagkilala si Atom Araullo bilang Most Outstanding Male Documentarist.

Naiuwi naman ni Vicky Morales ang Most Outstanding Public Service Show Host para sa Wish Ko Lang, na nanalo rin bilang Most Outstanding Public Service Show.

Most Outstanding Comedian on TV naman si Michael V para sa Pepito Manalo at Bubble Gang. Kinilala din ang Bubble Gang bilang Most Outstanding Comedy/Gag Show on TV.

Most Oustanding Radio Broadcaster naman si Arnold Clavio, samantalang Most Outstanding Male FM DJ si Papa Dudu ng Barangay LS 97.1.



Isang university-wide online voting ang isinagawa upang mapili ang mga nanalo.