Showbiz News

WATCH: Mikael Daez at Megan Young, may pinagbago ba ngayong kasal na?

By Cara Emmeline Garcia

“Parang mag-jowa pa rin.”

'Yan ang isinaad ni Megan Young sa panayam ni Iya Villania nang tanungin ng Chika Minute host kung may pinagbago ba sa kanilang relasyon ngayong kasal na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Mikael Daez.

Maaalalang nagkaroon ng double wedding sina Megan at Mikael noong Enero 10 sa Calaruega at Enero 25 sa Subic.

FIRST LOOK: Mikael Daez and Megan Young are now married!

Paliwanag pa ng aktres, “It's the same. I think we've been functioning like a married couple [for years now].

"Kung paano kami maging open sa isa't isa at kung paano kami mag-communicate, we've always been honest.”

Para kay Mikael, isang label lamang daw ito kaya wala siyang nakikitang pagbabago sa kanyang pagmamahal para sa kanyang asawa.

READ: Megan Young and Mikael Daez reveal details about their intimate weddings

“I think the way I love her now doesn't change just because we got married.

“'Di naman puwedeng 'pag nagpakasal tayo, super charged na 'yung lambing ko sa 'yo. Bakit dun lang? Ba't 'di ngayon? 'Di ba? All-in na kaagad and that's how we've been naman.

“That's why I say there's no change [between us]. It's literally a label.”

Panoorin ang buong interview ni Iya Villania sa video na ito: