Showbiz News

WATCH: Geneva Cruz, emosyonal sa kanyang pagbabalik sa Pinas

By Cara Emmeline Garcia

Isang emosyonal na Geneva Cruz ang nakita sa Instagram kamakailan nang mapahiwalay ito sa kanyang anak na si Heaven Arespacochaga.

Geneva Cruz

Ang rason ng paghihiwalay ng mag-ina? Babalik na kasi sa Pilipinas ang sexy actress at singer.

Aniya sa kanyang Instagram post, 'di raw nila mapigilang maging emosyonal lalo na't alam niyang malaki na ang kanyang anak.

“I wish I didn't have to leave you here, @heavenknew anak, but know that I'll be supporting you from my motherland.

“Got a few more years to hustle hard and do what I love best. I'll do my hardest to make you and your sister proud and give you both a brighter tomorrow.

“I love you so much and take care of yourself. FaceTime and Facebook regularly please. P.S. I'm proud to be your mommy...forever and always. P.P.S. Still crying.”

Balik trabaho naman kaagad si Geneva mula nang makabalik siya sa bansa.

Nagbahagi ng isang video selfie ang aktres kasama ang kanyang pangalawang anak na si London Cruz at ang kanyang ama na si Renato Cruz.

“Jet lag? Wha #jetlag? There's nothing 3 cups of coffee can't solve. First day working in Manila!”

Welcome back, Geneva!

BattleOfTheBods: Sexy photos of cousins Sheryl and Geneva Cruz

Geneva Cruz's firstborn, Heaven Arespacochaga: Where is he now?