Showbiz News

WATCH: Pagpanaw ni Kobe Bryant, nahulaan ni Rudy Baldwin?

By Bianca Geli

Isang babaeng gumagamit ng pangalang Rudy Baldwin sa Facebook ang naging viral dahil 'di umano prediction niya sa ilang sakuna na naganap.

Mula jackpot lotto numbers, hanggang sa mga sakuna mapa-Pilipinas man o ibang bansa--nahuhulaan daw ni Rudy.

Kahit na maraming nagdududa kay Rudy, iginiit nitong mula sa Diyos ang kaniyang kakayahang manghula. Kuwento niya, “siyempre, [galing ito] kay Jesus. Sa kaniya lang talaga. 'Yung kapangyarihan ng Diyos hindi mo kayang ipaliwanag, sana unawain nila na 'yung gift kong negative ay para rin sa kanila 'yun.”

Kamakailan lang ay naging trending si Rudy dahil sa nahulaannya raw ang pagpanaw ng NBA star na si Kobe Bryant.

Panoorin ang istorya niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho: