Showbiz News

Stef Prescott, inaalipin daw?

Very busy ngayon ang ‘StarStruck’ Batch 4 finalist na si Stef Prescott. Bukod sa kasama siya sa prime time series na 'All My Life,' isa rin siya sa mga young stars na nakasama sa much-awaited remake of Panday. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Connie M. Tungul. "Alipin ako ni Lizardo sa Panday," ang unang pahayag ng young actress nang makausap siya ng iGMA sa isang event ng GMA Artist Center. Obvious na masayang-masaya si Stef na MMFF entry ng GMA Films at Imus Productions ngayong December. "It is a privilege [na makasama sa Panday] kasi 'yung remake nito si Bong Revilla nga ang bida at saka si Ate Iza Calzado ang leading lady niya. Sobrang privilege ito kasi you know hindi lang ito basta-basta story lang eh, myth ito sa Philippines. At saka hindi lang 'yun, ang pinaka-huling nag-portray ng Panday sa movie si FPJ (Fernando Poe, Jr.), so talagang may pressure talaga kasi ang ganda talaga na ginawang Panday ni FPJ before. So kailangan we have to live up to the role," ang mahabang paliwanag ng StarStruck 4 Avenger. Acting opposite seasoned actors and actresses, inamin ni Stef na na-inspire siya sa movie. "Lizardo is played by Philip Salvador—nakakadala talaga siya, grabe! Sobrang ganda ng mga characters, defined talaga, alam mo na siya 'yun. Magaling talaga siyang manakot. At saka magaling din kasi 'yung mga nagsulat ng story," ang kuwento pa ni Stef. Nagkuwento pa si Stef kung gaano kalaki ang production ng movie at kung gaano pinagkagastusan ito GMA Films at Imus productions upang pagandahin ang Panday. "I have a costume here pero 'yung mga costumes namin talagang iba-iba, eh! At saka kapag nakita mo siya, alam mong sa Panday ‘yan at ang ganda ng mga locations so dapat abangan ang Panday!" Pag-usapan ang pagbabalik ng Panday sa iGMA Forum. Puwede ka ring humingi ng update mula kay Stef about All My Life and Panday through her Fanatxt service. Just text STEF and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Makakausap niyo din siya kasama ang fellow StarStruck alumna na si Jewel Mische through the iGMA Live Chat on July 17 from 2 p.m. to 4 p.m.! Just log on to www.igma.tv/livechat for details.