advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Teen stars noon, proud parents na ngayon

1 of 27

Camille Prats then

Nagsimula sa murang edad sa showbiz si Camille Prats. Nakilala siya sa pagganap bilang Princess Sarah sa pelikulang 'Sarah...Ang Munting Prinsesa.' Nang siya ay magdalaga, naging bahagi siya ng youth-oriented show na G-Mik.

2 of 27

Camille Prats now

Proud mommy na ngayon si Camille, at very close sa kanyang 8-year-old son na si Nathan. Sa January 2017 ang kasal nila ng boyfriend na si VJ Yambao.

3 of 27

John Prats then

Tulad ng kanyang kapatid na si Camille, bata pa lamang ay nasa mundo na ng showbiz si John. Magkasama sila sa G-Mik ni Camille, kung saan naging ka-love team niya si Heart Evangelista.

advertisement
4 of 27

John Prats now

Hunyo nitong taon nang binyagan ang anak nina John at Isabel Oli na si Lilly Feather.

5 of 27

James Blanco then

Isa si James Blanco sa first batch ng cast members ng Kapuso teen show na Click.

6 of 27

James Blanco now

Pamilyado na si James ngayon. May tatlo silang anak ng asawa niyang si Tania na sina Inigo, Baste, and Atalie.

advertisement
7 of 27

Chynna Ortaleza then

Produkto din ng Click si Chynna Ortaleza. Naging ka-loveteam niya dito si Richard Gutierrez.

8 of 27

Chynna Ortaleza now

Bukod sa pagiging magaling na kontrabida, mommy na rin ngayon si Chynna kay Baby Stellar, na anak niya sa asawang si Kean Cipriano.

9 of 27

Richard Gutierrez then

Isa si Richard Gutierrez sa mga nagpakilig sa teenage girls noon sa programang Click.

advertisement
10 of 27

Richard Gutierrez now

Nagkaroon ng anak sina Richard sa girlfriend niyang si Sarah Lahbati. Ito ay ang cute na cute na si Zion.

11 of 27

Iya Villania then

Sa set ng Click nagkakilala at nagkamabutihan sina Iya Villania at Drew Arellano.

12 of 27

Iya Villania now

Nitong Agosto ay isinilang ni Iya ang panganay nila ni Drew na si Antonio Primo.

advertisement
13 of 27

Valerie Concepcion then

Kasabay nina Iya at Drew sa Click si Valerie Concepcion, na ang partner noon ay si JC de Vera.

14 of 27

Valerie Concepcion now

Maaga mang nabuntis, maayos namang napalaki ni Valerie ang kanyang unica hija na si Fiona.

15 of 27

Denise Laurel then

Isa pa sa batchmates nina Iya at Valerie si Denise Laurel.

advertisement
16 of 27

Denise Laurel now

Alejandro ang pangalan ng anak ni Denise, na five years old na ngayon.

17 of 27

Jodi Sta. Maria then

Teenager din si Jodi Sta. Maria nang magsimula sa showbiz.

18 of 27

Jodi Sta. Maria now

Mommy na siya ngayon kay Thirdy, na anak niya kay Pampi Lacson.

advertisement
19 of 27

Patrick Garcia then

Mula pagkabata, marami na ang humanga sa pag-arte ni Patrick Garcia, hanggang sa siya ay magbinata.

20 of 27

Patrick Garcia now

Tatlo na ang anak ni Patrick ngayon, sina Alex Jazz kay Jennylyn Mercado, at sina Chelsea at Patrice sa asawang si Nikka Martinez.

21 of 27

Chesca Garcia then

Nakilala si Chesca Garcia noon bilang isa sa mga pinakamagandang teen stars noong late '90s. Kasabayan niya noon sila Jolina Magdangal, Patrick Garcia, Kristine Hermosa, at marami pang iba.

advertisement
22 of 27

Chesca Garcia now

Ngayon ay kasal na ang aktres sa basketball player na si Doug Kramer at mayroon na silang tatlong anak, sina Kendra, Scarlett, at Gavin na pawang mga young social media superstar.

23 of 27

John Lloyd Cruz then

Si John Lloyd na marahil ang isa sa mga pinakamatagumpay na aktor ng kaniyang henerasyon. Nagsimula siya bilang isang teen star sa ilang youth-oriented shows hanggang sa makitaan siya ng potensyal na maging bida at leading man sa telebisyon at pelikula. Una siyang ipinareha kay Kaye Abad na naging nobya niya sa tunay na buhay ngunit ang love team niya kay Kapuso actress Bea Alonzo ang tunay na nagbigay sa kaniya ng mga di malilimutang pagganap sa TV at movies.

24 of 27

John Lloyd now

Matapos ang mahabang pagbibinata, nagbago ang buhay ni John Lloyd nang magkaanak ito, ang cute na cute na si Elias Modesto, sa ex-partner na si Ellen Adarna.

advertisement
25 of 27

Baron Geisler then

Isa si Baron Geisler sa mga pinakamagagaling na aktor ng kaniyang henerasyon. Pinatunayan niya ang kakayanan sa pagganap ng mga hindi makakalimutang karakter. Kasabayan niya si John Lloyd nang magumpisa sa showbiz. Ngunit ang karera nito ay higit na naapektuhan nang masangkot ito sa iba't-ibang gulo dahil sa problema sa pag-inom.

26 of 27

Baron Geisler now

Ngayon ay lumagay na rin si Baron sa tahimik kasama ang asawa na si Jamie Evangelista at anak na si Talitha.

advertisement