advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Celebs who played "halimaw" roles

1 of 13

Lilia Cuntapay

Hindi kumpleto ang mga horror films sa Pinas kung wala ang tinaguriang “Queen of Philippine Horror Movies” na si Lilia Cuntapay. Gumanap siya sa hindi bababa na 70 pelikula at palabas sa telebisyon. Bagamat nakilala sa mga horror movies, nanalo din si Lilia ng Best Actress Award para sa kanyang Mockumentary na 'Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay' taong 2011. Namatay si Lilia noong August 2016 sa Pinili, Ilocos Norte.

2 of 13

Nonong de Andres

Ilang beses din nanakot sa pelikula at telebisyon ang character actor na si 'Bangkay' o si Nonong de Andres sa totoong buhay. Bago siya lumabas sa mahigit sa 100 movies, dati pala siyang layout artist sa RVQ Productions na itinatag ni King of Comedy, Dolphy. Bukod sa pagiging 'Bangkay,' gumanap din na 'Kamatayan' si Nonong. Pumanaw siya noong Nobyembre 2018.

3 of 13

Isabelle Daza

Pinabilib din tayo ng former Dabarkad Isabelle Daza sa kanyang role sa 'Kubot: The Aswang Chronicles 2' ng GMA Films bilang ang aswang na si Lex. Naging parte rin si Isabelle ng Regal Films movie na 'Resureksyon' kung saan gumanap siyang bampira.

advertisement
4 of 13

Elizabeth Oropesa

Tinakot din tayo ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa sa pelikula ni Erik Matti bilang si Verona, reyna ng mga Kubot.

5 of 13

Cristine Reyes

Pinabilib din tayo ng StarStruck alumna na si Cristine Reyes sa GMA Films movie na 'Patient X' bilang ang aswang na si Guada.

6 of 13

Alessandra de Rossi

Hindi din makakalimutan ang makamandag na role ni Alessandra de Rossi bilang si Valentina sa GMA Primetime seriesn na 'Darna.'

advertisement
7 of 13

Oyo Sotto

Tinakot din tayo ni Oyo Sotto sa horror flick kasama sina Angel Locsin at Dennis Trillo na 'TxT.'

8 of 13

Luz Fernandez

Kinainisan at kinatakutan din ang veteran actress na si Luz Fernandez nang gumanap siya na Luka, reyna ng kadiliman sa 'Okay Ka, Fairy Ko.' Gumaganap ring isang mangkukulam si Luz sa ilang TV at movie projects.

9 of 13

Tetchie Agbayani

Tumatak din sa mga Pinoy ang role ng dating Playboy cover girl na si Tetchie Agbayani na si Munita sa 'Okay Ka, Fairy Ko.'

advertisement
10 of 13

TJ Trinidad

Mahusay din ang pagganap ni TJ Trinidad sa pelikula na 'Buy Now, Die Later' bilang si Santi na isang antique shop owner na may makapanindig balahibo na katauhan.

11 of 13

Erich Gonzales

Tiyak napasigaw kayo sa pelikula na 'Shake, Rattle, & Roll XV.' Gumanap sa isa sa mga horror anthology nito si Erich Gonzales bilang si Sarah na taong-ahas.

12 of 13

Kristoffer Martin

Kapuso heartthrob Kristoffer Martin plays a scary Tamawo in 'Super Ma'am.'

advertisement