Showbiz News

Katrina Halili: 'Mas blessed ako ngayon.'

Sa Batangas, kung saan kinukunan ang mga eksena ng pinakabagong prime time series ng GMA, ang 'Rosalinda,' nakapanayam ng iGMA ang controversial actress na si Katrina Halili. Sa exclusive interview na ito, inamin niya na she feels very blessed sa kanyang pagbabalik showbiz. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch M. Mauricio. Isang masayang Katrina Halil ang nakapanayam ng iGMA sa set ng Rosalinda recently. Halatang napaka-happy ng aktres sa kanyang pagbabalik-trabaho, lalo na at nakasama niya ulit si Direk Mario J. Delos Reyes, ang kanyang director sa Magdusa Ka. “Sobrang happy ako," sambit ni Kat. "Sabi ko nga dahil sobrang favorite ko si Direk Mario, ‘di ba? At saka kasi kasama ko siya sa Magdusa Ka. So ‘yun, natutuwa ako na napunta ako dito sa group na 'to at sobrang babait nila.” Kaya naman hindi siya masyadong kinabahan sa pagbabalik-taping niya dahil nga sa kumportable na siya sa mga staff at mga crew ni Direk Mario. Pero inamin din niya na medyo nanibago siya ng una siyang humarap ulit sa mga camera. “Medyo kasi—medyo matagal din akong nabakante, ‘di ba? Lalo na doon sa pag-memorize ng script. Parang ang feeling ko, ang iksi-iksi ng mga lines. Pinauulit ko sa utak ko baka makalimutan ko eh (chuckles),” ang pagbibiro ni Katrina. Kami din ay nanibago kay Katrina dahil after seeing her crying and in pain on TV for the past weeks, it's refreshing na makita siyang nagbibiro ulit. “Nakakatuwa kasi mas masasabi ko na mas blessed ako ngayon. Kahit hindi na lang doon sa hindi ko na lang iniisip ‘yung mga projects na dumarating, 'yung mga taong nagpaparamdam sa iyo ng support. ‘Yun lang, masayang-masaya ko at saka nafi-feel ko 'yung blessings. Hindi ko tinitingnan ‘yung projects na binibigay sa akin but ‘yung mga mga taong nagpapa-feel ng support sa akin. Sobrang natutuwa talaga ko, sobra- sobrang nakakataba ng puso," pagtatapos ni Kat. Panoorin si Katrina sa Rosalinda on weeknights sa Telebabad block ng GMA. Pag-usapan ang pagbabalik ni Katrina Halili sa iGMA Forum. Kamustahin si Katrina through her Fanatxt service. Text KATRINA and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)