Showbiz News

Aljur Abrenica, may gusto pang patunayan

Sa pagsabak ng AlKris love team sa prime time, Aljur Abrenica is proud na kinikilala na sila as a love team that the network can trust—pero at the same time, he knows na marami pa silang dapat patunayan. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio and Connie M. Tungul. "I'm looking forward na sana maging top-rating ulit," ang matapang na pahayag ni Aljur Abrenica sa amin prior to the pilot premiere of All My Life. "Libre lang ang mangarap," natatawa niyang dagdag. Pero alam naman ni Aljur that for them to get high ratings, kailangan may ibigay rin sila ng love team partner niyang si Kris Bernal: "Gagawin ko ang lahat para ipakita sa kanila na kung ano kami ngayon ni Kris, siguro panahon na para ipakita namin lahat ng talento namin." Ang All My Life, according to Aljur, is a more challenging project para sa kanila ni Kris—"and ito, bagay ito sa age namin—hindi masyado matured. Expect nila na maraming makaka-relate sa story namin: 'yung love na hindi pwede. May ganoon eh—ayaw ng magulang, hindi nila maintindihan. Pero dahil sa mahal mo, ipaglalaban mo." With their return to prime time—and leading a series of their own, no less—feeling ni Aljur ay may napatunayan sila sa sambayanan. "Kasi marami po talagang sumuporta eh," he explains. "Maipagmamalaki po talaga." Pero, he reiterates na hindi dito matatapos ang pagpupursige nila. At siyempre pa, hindi rin basta-basta ang naging desisyon to create an original story that would feature the Aljur-Kris love team. "Pinag-isipan talaga," Aljur tells us. "[At] thankful ako na binigyan kami ng chance, at saka pinagkatiwalaan talaga kami. Malaki ang pasasalamat ko [sa network]." Dagdag pa ni Aljur, "Natutuwa po ako kasi sunud-sunod po 'yung blessings na ibinibigay sa amin, ni Lord, ng GMA. At saka, masaya kasi marami nang tao ngayon ang nakakakilala sa amin—na tumatangkilik sa mga shows namin." Malaki rin ang pasasalamat ni Aljur na hindi lang sila ni Kris ang pinapalad ngayon. "Natutuwa ako na kasama namin ulit 'yung isa sa mga ka-batch naming si Paulo [Avelino]. Natutuwa ako kapag may mga ka-batch mate ako na kasabayan, lalo na sa mga StarStruck 1, 2, 3, 4—natutuwa ako kapag nakakasama ko sila sa isang show." Now that All My Life is entering its third week, marami nang good feedback ang natatanggap ng show nila. And while thankful si Aljur sa lahat ng support na nakukuha niya, inamin niya na may wish pa rin siya: "Hopefully mas kabaliwan pa."
Ikaw? Kinababaliwan mo na ba ang All My Life? 'Wag palampasin ang episodes every weekday after Hole in the Wall at bago mag 24 Oras! Be text buddies with Aljur through Fanatxt! Just text ALJUR to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)