Showbiz News

WATCH: Alden Richards binista ang isang 5-year-old fan na may brain tumor

By Cara Emmeline Garcia

Isang wish ang itinupad ni Asia's Multimedia Star Alden Richards nang bisitahin niya ang kanyang five-year-old fan na si Bernzyrelle “Chuchay” Nipales.

Sa Facebook profile ni Bernard Nipales, ama ni Chuchay, nanawagan siya sa kanyang mga kaibigan na sana'y mabigyan ng pagkakataon na makita at makausap ng kanyang anak ang Kapuso actor.

Aniya, “Pwede mo ba kong tulungan? Iparating ang huling hiling ng aking anak na si Chuchay na marinig niya ang boses na nagpapakilig sa kanya na si Alden.

“Kahit sa huling tibok at hininga ng aking anak na makita at marinig man lang ni Chuchay ang boses ni Alden. At baka sa huling boses ni Alden kiligin ulit si Chuchay.”

Sinamahan pa ni Bernard ang Facebook post na ito ng isang video collage ng kanyang anak at umani ito ng mahigit 100K views.

Sa pananaliksik ng GMANetwork.com, si Chuchay ay mayroong Optic Pathway Glioma, isang uri ng brain tumor na nakakaapekto sa optic nerves ng mata.

Halos wala pang isang oras ay nalaman ni Alden ang hinaing ng ama ni Chuchay at agad binisita ito sa ospital.

Kuwento ni Bernard sa isang separate Facebook post, “Maraming salamat Mr. Alden Richards. Sobrang humble mo po talaga wala pang 1 hour nandito na po kayo kahit kakadating nyo pa lang po galing Holy Land sa Jerusalem.

“Sobra po akong nagpapasalamat dahil tinupad niyo po ang wish ni Chuchay… Pagpalain po kayo lagi ng Panginoon. Salamat sa pagpe-pray mo po kay Chuchay.”

Alden Richards, tahimik ang pagtulong sa Taal evacuees

WATCH: Alden Richards, personal na naghatid ng tulong sa ilang evacuation centers sa Batangas