Showbiz News

Winwyn Marquez, nilinaw na hindi siya sasali sa Miss Universe Philippines 2020

By Cara Emmeline Garcia

Sa pag-anunsyo ng bagong Miss Universe Philippines pageant ngayong taon, marami-rami ang nagtatanong kay Kapuso actress and former beauty queen Winwyn Marquez kung may plano siyang sumali sa gaganaping pageant ngayong May 2020.

Sa pamamagitan ng Instagram story, nilinaw ni Winwyn, “I am not joining Miss Universe Philiippines.”

Dagdag paliwanag pa niya, “I still have an existing contract and I have to honor it.

“But please know that I am very happy kung nasaan ako ngayon and sa path na pipiliin ko for myself but thank you so much sa mga messages niyo sa akin. Nakakataba ng puso.”

LOOK: Winwyn Marquez is almost unrecognizable in her first campaign shoot for 2020

Noong 2017, kinoronahan si Winwyn bilang Reina Hispanoamericana Filipinas sa naganap na Miss World Philippines competition nung taong iyon.

Sa international stage, nagtagumpay si Winwyn bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia.

Siya ang kauna-unahang Filipina at Asyano na nakakuha ng koronang ito.

Bago pa man ang kanyang Miss World Philippines stint, sumali rin si Winwyn sa Binbining Pilipinas noong 2015, kung saan ni-represent niya ang siyudad ng Parañaque.

Nag-uwi siya ng tatlong awards: Best National Costume, Miss Talent, at “She's so JAG” Award. Isa rin siya sa 15 finalists ng kompetisyon.

Ayon sa reports, gaganapin ang Miss Universe Philippines ngayong Mayo, sa SM Mall of Asia Arena.

Mapapanood si Winwyn kasama sina Michelle Dee at Thia Thomalla sa Glow Up, tuwing Linggo, sa GMA News TV.

LOOK: Winwyn Marquez reacts on netizen's comment about her muscle gains

Miss Universe Philippines will reveal a new crown this 2020!