Showbiz News

Granted ang acting wish ni Bryan Termulo

Para sa mga may pangarap na maging isang artista, ang kanilang first role ang siguradong pinaka-memorable. Ngunit, para kay Bryan Termulo, who has been in the business for some time, ang pagsabak niya sa mundo ng pag-arte ay nakakanerbyos at exciting at the same time. Text by Erick Mataverde. Photo by Connie M. Tungul. "Finally! Nabigyan na 'ko ng break sa pag-acting and take note—prime time pa 'yung una (laughs)! Yes! Prime time pa so napaka-sarap ng feeling dahil napasama ako," ang pahayag ni Bryan Termulo nang makausap siya ng iGMA about his first acting role in All My Life. Though medyo exposed na siya sa show business since being a Pinoy Pop Superstar runner-up and a regular member of SOP's all-male singing group 'You've Got Male,' aminado si Bryan na an acting job would also be a welcome change for him. Kanayng paliwanag, "Oo, first time ko talaga kasi ano eh, tawag dito—two years na akong kumakanta and two years ko na rin wini-wish na bigyan ako ng kahit short break in acting. Eto na 'yun!" At may halong relief din naman si Bryan nang malaman niya na ang role niya as Dino sa prime time soap, kung saan headline ang love team sensation na sila Aljur Abrenica at Kris Bernal, ay hindi malayo sa kanyang singing background. "Sabi kasi sa akin, since ito yung pinaka-first na gagawin kong acting role, hindi nila ilalayo kung ano 'yung nature ng business ko," kanyang kuwento. "Kasi singer nga ako, kung baga parang, ang role ko dito is isang banda kami na dun lang tatakbo din yung pinaka-story. More on singing; at the same time meron mga few lines at siyampre ang pag-arte." Pabiro pa niyang dagdag: "So when it comes sa singing siguro medyo at ease ako, wala nang problema dun. Pero 'yung mga bitaw pa rin ng lines—kasi I'm still worried na baka mamaya makanta ko na lang 'yung mga lines ko! Pero supportive naman lahat—the directors, the staff they always say na, 'Kaya mo yan!'" May isang wish din si Bryan sa future ng kanyang acting career: "Kung dumating man 'yung time na after na maging successful itong soap na 'to—and I'm looking forward to that—siguro kung mabigyan man ako [ng role pa in the future at] kung nakita nilang maganda 'yung pag-act ko, sana medyo mas bigatan 'yung mga role ko." Though he explains na una pa rin sa kanya ang kanyang talent, which brought him to this point in his career. "Malaki ang utang na loob ko sa SOP at the same time dun ako nanggaling talaga, and kung baga, first and foremost singing talaga ang priority ko, and then acting," giit ni Bryan. To get a glimpse of Bryan's acting it up, check out this video ng prime time hit na All My Life:
Pag-usapan ang acting ni Bryan! Log on to the iGMA Forums! Not yet a member? Register here! Alamin ang iba pang pinagkakaabalahan ni Bryan! Text BRYAN [Your Message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.