Showbiz News

Ready na nga bang magpa-sexy si LJ?

Big break para kay LJ Reyes ang mapabilang sa cast ng 'All My Life.' Playing a kontrabida in the story, inamin ng 'StarStruck 2' First Princess na kinakailangan na niyang magpa-sexy. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network. Aminado si LJ Reyes na kakaiba ang role niya sa All My Life, kung saan kasama niya ang fellow StarStruck graduates na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. "Sana magampanan ko nang mabuti 'yung role ko kasi hindi naman siya talagang kontrabidang-kontrabida, siguro in defense lang sa pagmamahal," ang pahayag ni LJ. Kinuwento pa niya na although hindi siya ganun kasama as her role in Una Kang Naging Akin, still siya pa rin ang nang-aagaw kay Aljur sa story. Idinagdag pa niya na dahil sa ito ang role niya, kinakailangan na she look the part of a mang-aagaw and a band vocalist na siyang trabaho ni Maricar, ang kanyang character. Paano nga ba siya nag-prepare sa role niya? "Kailangan ko pa magpapayat. Hanggang ngayon, nagpapapayat pa rin ako. Kasi si Direk eh, gusto niya talaga payat. Tapos nagvo-vocalize pa 'ko sa bahay. 'Yun pa, nag-aaral ako kumanta," ang paliwanag ng young actress. At dahil nga may pagka-kontrabida at medyo sexy ang suot niya sa show, ibig ba sabihin nito na ready na siyang mag-pose sa mga men's magazines? "Meron ngang offers pero I don't think I'm ready. Siguro hindi ko pa kasi makita yung sarili ko na ginagawa yun eh," ang nakangiting sagot sa amin ni LJ. Natatawa pa niyang idinagdag, "Wala naman kasi akong ipapakita eh. Pero nilinaw niya since hinihingi sa character ni Maricar ang magpa-sexy, willing naman siyang gampanan ang role na ito and to show some flesh. "Sa character ko, puwede akong magpasexy. Pero 'yung makita nila ko sa men's magazine, hindi ko pa yata kaya," ang paglilinaw ni LJ sa amin. Panoorin si LJ Reyes sa All My Life weeknights sa GMA Telebabad.
Pag-usapan ang pagpapa-sexy ni LJ sa iGMA Forum. And be updated sa mga ginagawa ni LJ through Fanatxt! Just text LJ to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)