Showbiz News

Jay Aquitania, na-challenge sa pagiging bakla

Papaano kaya hina-handle ng mga artista ang mga shift sa roles nila, especially kung ang kanilang gagampanan ay malayo sa tunay nilang persona? For Jay Aquitania, it's all about the challenge ng role at siyempre, masinsinang pag-aaral sa psyche ng kanyang character. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim. Nakilala natin siya kamakailan bilang Ardi sa SineNovelang Paano Ba Ang Mangarap? At alam naman natin kung ano ang sinapit ng character niya nang maramdaman nito na ang pag-ibig ay papalayo na sa kanya. "Oo nga eh, parang kailan lang, nasisiraan ako ng ulo tapos ngayon naman ganito role ko!" exclaimed Jay Aquitania nang kausapin siya ng iGMA about the change from Ardi, a serious and passionate lover to August, isang flamboyant at masayahing kaibigan sa bagong prime time hit, All My Life. "From Ardi to August, medyo mahirap 'yung role ko ngayon, kasi gay 'yung role niya. Akala ko 'yung gay na role na hinihingi sa akin, 'yung parang lalaki pa rin," kuwento ni Jay sa amin. "Pero nung nasa set na, 'yung gusto nila 'yung makulit. Parang charming na bading, parang ganun. Tapos siya dapat 'yung nagpapasaya doon sa grupo." At hindi lamang ang role niya sa Paano Ba Ang Mangarap? ang naging malaking contrast; kasama na sa pagkakaiba ang kanyang sariling personality. Inamin ni Jay, "Eh medyo may pagkaseryoso akong tao sa totoong buhay, kaya medyo nahihirapan ako gawin, in a way. Pero challenge siya talaga. As an actor, challenge siya." Though hindi naman siya talaga baguhan sa mga ganitong mga character, kaya paliwanag niya, "May nagawa akong role na gay, pero lalaki siya. Lalaki talaga siya, tapos papunta pa lang siya dun [sa pagiging gay]. Hindi pa niya alam sa sarili niya [na] bakla siya, tapos parang papunta pa lang siya doon." Dagdag pa ni Jay na talagang abala sila sa taping ng All My Life: "Busy talaga kami, three times a week kami mag-taping. Biglaan itong soap na ito at nagulat kaming lahat sa mga role namin. At nakakatuwa pa talaga siya." Dahil sa mga role na kanyang nakukuha of late kung saan nire-require ang kanyang acting ability, may isang kahilingan ulit si Jay. "Gusto ko rin sana gumawa ng indie film, parang iba kasi 'yung script at mas maraming time para gawin ang gusto mo sa role mo," ang kanyang panghuling tugon sa amin. Kaya huwag kaligtaan ang madrama at masasayang tagpo sa prime time hit sa GMA Telebabad, ang All My Life. Gusto niyo malaman kung gaano na-internalize ni Jay si August? Check out this video:
Pag-usapan ang pagiging August ni Jay sa All My Life! Log on to the iGMA Forum! Not yet a member? Register here!