Showbiz News

Dingdong Dantes on '90s dance concert: 'Sana maulit'

By Jansen Ramos

Nostalgic ang pakiramdam ni Dingdong Dantes matapos muling mag-perform kasama ang biggest dance groups na sumikat noong '90s tulad ng Streetboys, Universal Motion Dancers (UMD), at Manoeuvres sa isang dance concert.

"Talagang very nostalgic 'yung pakiramdam,” sabi ni Dingdong.

“Bumalik lahat ng mga ala-ala noong mga panahon na 'yon.

“Seeing everyone there, 'yung mga idolo ko nando'n, kasama ko hanggang ngayon," bahagi ng dating Abztract dancer sa panayam ng ilang GMA reporters sa GMA @70: All-New Kapuso Month Primetime event kagabi, February 5.

Hiling din ni Dingdong na "sana maulit" ang dance reunion concert kung saan nakasama niyang mag-perform ang kanyang pinsang si Arthur Solinap, na dati ring miyembro ng grupong Abztrtact.

WATCH: Dingdong Dantes at Arthur Solinap, naki-hataw kasama ang ilang '90s dance groups

Nice one Dong! Parang nung dati lang.. “Isang kilos” #Abztract Sobrang saya lang kagabi makasama at mapanuod ang mga iniidolo namin mga ka grupo namin at mga ibang dance group nung 90s. #batang90s #90sdanceconcert #90spanahonkoto @dongdantes

A post shared by Arthur Solinap (@arthursolinap) on

Nagkomento naman ng UMD dancer na si James Salas sa Instagram post ni Arthur noong February 1.

Aniya, higit na hiniyawan ng audience ang performance nina Arthur at Dingdong na sumayaw sa '90s hit song ng Swedish singer na si Robyn na "Do You Really Want Me."

Please embed jim

WATCH: Manila Mayor Isko Moreno dances to "Dying Inside" with popular '90s dance groups