Showbiz News

Carla Abellana on getting married: 'Shocks, medyo the clock is ticking.'

By Bianca Geli

Balik-tambalan na ang real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez bilang Adelle at Stefano sa Love of My Life.

Nakasama nina Carla at Tom in full force ang mga Kapuso artists sa recent GMA @ 70: All-New Kapuso Month Primetime event noong Miyerkules, February 5.

Kuwento ni Carla sa 24 Oras, mabilis ang takbo ang istorya ng Love of My Life, lalo pa't nagkakilala na ang mga karakter nila Carla at Tom na sina Adelle at Stefano.

IN PHOTOS: 'Love Of My Life' stars shine at the show's media conference

Aniya, “Nasa getting to know each other phase pa lang sila this week and then, of course, mami-meet na ni Stefano 'yung family ni Adelle.”

Hindi maiwasang mapagusapan din ang kasalan lalo na't going strong ang relationship nina Carla at Tom.

Kung papipiliin naman si Carla kung ano ang mas uunahin, kasal o dream house, ang sagot niya: “Kasal muna kasi medyo the time is up.”

Paliwanag niya, “Before, I've always said na sana bahay muna para ma-secure muna 'yun.

“Pero ngayon na I'm already in my 30's, I'm already 33, sabi ko, 'Shocks, medyo the clock is ticking.'

“Para rin not long after the wedding makapag-prepare na rin for a family.

“Meron na kaming nabiling lot, residential lot, where we plan to build [our house],” dagdag ni Carla.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: