Showbiz News

WATCH: Aiai delas Alas, kilig na kilig dahil sa OPM hitman na ito

By Marah Ruiz

Dumalo si Kapuso comedienne Aiai delas Alas sa pre-Valentines concert ng OPM Hitmen na binubuo ng mga beteranong OPM singers na sina Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Chad Borja at Renz Verano.

Ka-date ni Aiai ang kanyang asawang si Gerald Sibayan sa concert na idinaos sa Music Museum kagabi, February 7.


Sa gitna ng concert, makikitang kilig na kilig si Aiai nang lapitan ni Chad Borja. Aminado kasi si Aiai na matagal na niyang crush ang singer.

"Kinikilig ako sa kanta at saka kay Chad Borja, crush ko 'yan noon e," sulat ng komedyana sa kanyang Instagam account.


Lalo pang ikanatuwa ni Aiai nang pakantahin ni Chad ang asawang si Gerald.

"Hehe at si Darl kumanta IDOL.. tawang tawa 'ko kasi 'pag gusto s'yang i-guest sa Eat Bulaga kunyare ...tumatanggi kasi ninenerbyos daw sya at WALANG TALENT HAHA I love you, Darl, kahit sintunado ka kumanta bagay tayo hehe," dagdag pa niya.

Aiai Delas Alas, rumesbak sa basher, "Ang inggit nakamamatay yan."

WATCH: Aiai Delas Alas, mangiyak-ngiyak na inilahad ang kuwento ng kanyang pagtulong kay Jiro Manio