
Nagkita na ang viral Pinoy student na si Carl Montecido at si Trixie Madison, na nag-upload ng kanyang "Too Good At Goodbyes" cover sa social media
Sa Facebook Live video ng The Clash finalist, nagpasalamat si Carl kay Trixie sa exposure na ibinigay nito sa kanya.
Sa ngayon ay may mahigit 10 millions views na ang viral performance ni Carl na naganap sa isang karaoke station sa isang mall.
Sambit ni Carl, "Yo, what's up guys? Nandito na ko ngayon sa mall na pinagkantahan ko dati at ngayon nandito rin ang nag-upload ng video.
"As promised, magkikita kami ngayon and I would like to thank her personally."
Sabi pa ng viral singer, "So ayon, guys. Bago ako mag-goodbye, ito na 'yung patunay na nand'yan na siya.
“Siya 'yung nag-upload, guys. Maraming salamat sa kanya."
Dahil sa kanyang talento, napansin mismo ng "Too Good At Goodbyes" singer na si Sam Smith at ng iba pang international singers gaya nina Kelly Clarkson, Nicole Scherzinger, at Niall Horan ang version ni Carl.
Kung naibigan n'yo ang pagkanta ni Carl ng "Too Good At Goodbyes," tiyak na magugustuhan n'yo rin ang performance niya sa The Clash season two.
Visually-impaired na si Carl Montecido, alay ang talento sa Panginoon