Showbiz News

Moymoy Palaboy, mga dakilang sidekick

Ang comic singing duo ng Moymoy Palaboy ay mas nagiging visible na ngayon—hindi lang sa Internet, kundi pati na sa telebisyon. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio. Nakausap kamakailan ng iGMA ang other half ng Moymoy Palaboy na si James Ronald Obeso, who is more popularly known as Moymoy. At ang kanilang duo ay mapapanood na araw-araw sa kanilang bagong show. "It feels so awesome, awesome—very, very awesome!" Moymoy exclaimed nang mabanggit namin ang part nila sa prime time hit, All My Life. Kuwento pa niya na nagulat sila sa offer ng GMA sa kanila. "Alam ko magdra-drama daw kami, magche-change daw kami, charing!" he joked. Bilang sila Toto (played by Moymoy) at Caloy (played by Roadfill), ang mga maloko at nakakatuwang kabarkada ni Aljur Abrenica, mukha naman nilang nag-eenjoy sa role nila: "Kami ang kasama ni Aljur sa mga happy moments, sa happy days. Kami ang kasama niya. Kumbaga, in short, sidekick lang! Wala kaming magagawa, ganun talaga. Hindi, joke lang. Actually, kahit extra, okey lang sa amin." At tuloy-tuloy din ang pag promote nila sa kanilang "Uploaded" album. "'Yung first single 'yung 'Lumayo Ka Man sa Laklak', at 'yung second single [naman] 'Rugby Boy,' puro mga inspiring song ito (laughs)!"quipped Moymoy. But turning serious, he continued, "Hindi, 'pag narinig ninyo, talagang mapupulutan ninyo ng aral, totoo. 'Yung 'Rugby Boy,' sa umpisa lang mukhang masagwa, parang, 'Mga adik ba 'to?' Pero, sa ending, maganda ang message niya. Tsaka sa video, nakasulat naman dun na hindi namin hinihikayat yung mga kabataan [na] mag-rugby." Pero para sa kanila, ang pagsama nila sa Bubble Gang ay tumulong nang malaki sa pagsabak nila sa acting dito: "Buti binigyan kami ng acting role. Pero, talaga, ang first acting namin [ay] short skit sa Bubble Gang, kung saan namin ginamit ang totoong voice namin. 'Yung 'Mokmok Palabok,' 'yun 'yung first na nagsalita kami talaga." So, hindi lang pala romance ang aabangan natin sa All My Life, may comic relief pa! Kaya huwag kaligtaan ang bawa't episode nito sa GMA Telebabad. Pag-usapan ang Moymoy Palaboy! Log on to the iGMA Forum! Not yet a member? Register here!