Showbiz News

WATCH: 'Prima Donnas' teen stars, natuwa nang makita ang kanilang larawan bilang mga Sang'gre

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi maitago ng mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo ang kanilang saya nang tanungin tungkol sa larawan nilang kumalat sa internet bilang mga Sang'gre ng Encantadia.


LOOK: 'Prima Donnas' teen stars as 'Encantadia' Sang'gres

Nakausap ng ilang bloggers ang apat noong February 11, sa Palm Grill sa Tomas Morato Avenue.

"'Di ba po si Danaya, matapang din, palaban so why not?" ani Althea.

Para naman kay Jillian, masaya siya dahil nakikita sila ng netizens na puwedeng gampanan ang mga iconic na Kapuso characters.

"Siyempre masaya po ako dahil nakikita po nila 'yung kakayahan po namin na mag-play ng iba't ibang characters," saad ni Jillian.

Panoorin ang kanilang reaksyon sa video na ito:


Panoorin sina Jillian, Althea, Sofia, at Elijah sa Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.