GMA Logo
What's Hot

LOOK: Lolit Solis hanga kay Sandara Park at sa K-entertainment industry

By Cara Emmeline Garcia
Published February 13, 2020 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Na-touch daw si Lolit Solis sa gesture ni Sandara Park habang nasa Korea. Ano kaya ito?

Malaki ang paghanga ni showbiz writer Lolit Solis sa Korea ngayong isa-isa na nitong napapantayan ang Amerika sa entertainment industry pagkatapos mag-wagi ang South Korean film na Parasite sa ginanap na Oscar Awards kamakailan.

Aniya sa isang Instagram post, “Kung noon overacting na ang higpit sa pagbabantay sa mga Korean actors and K-Pop, e 'di lalo na ngayon na Oscar winner na sila?

“Ngayon lalo na-validate and Korean invasion sa showbiz, ngayon lalo pang tumaas ang premium nila, ngayon talaga sila on top of the world...

“Isa sa hahangaan mo sa kaniya 'yung pagbabantay nila sa mga celebrity nila.”

Banat pa ng entertainment news writer, mas mahirap na raw ang chance niyang makausap si Jo In Sung, ang Korean actor na gumanap sa What Happened in Bali, That Winter, The Wind Blows, at It's Okay, That's Love.

Kaya naman nang pumunta siya sa Korea kamakailan, laking gulat niya nang sinalubong siya ni former 2NE1 member Sandara Park sa bansa.

Sambit niya, “Kaya nga touching 'yung ginawa ni Sandara Park sa atin nang pumunta tayo sa Korea, na i-treat tayo sa dinner sa gitna ng busy sked niya dahil makikita mo talaga iyon effort niya na i-entertain si Aileen Go ng MegaSoft at si Lola Budingding niya.

“Muntik nga ako umiyak dahil kumanta pa siya ng happy birthday at nagbigay pa ng cake. Kaya nga nadagdagan ang paghanga ko sa Koreans dahil kay Sandara Park na mahal na mahal ang mga Pilipino at Pilipinas.

“Hayyy.. Inggit na inggit ang local showbiz sa inabot ng Korean sa filmdom industry. Bongga talaga! Clap, clap, clap,” pagtapos nito.

Naku naisip ko Salve, kung noon overacting na ang higpit sa pagbabantay sa mga korean actors and KPop di lalo na ngayon na Oscars winner na sila? Ngayon lalo na validate ang korean invasion sa showbiz, ngayon lalo pang tumaas ang premium nila, ngayon talaga sila on top of the world. Lalo pang naging slim ang chance ko na maging ka chica si Jo Insung, huh huh huh. Isa sa hahangaan mo sa kanila iyon pagbabantay nila sa mga celebrity nila. Talagang kasali sa kahit anong kontrata nila na kasama ang buong team ng kukunin mong artista. Kaya nga touching iyon ginawa ni Sandara Park sa atin nang pumunta tayo sa Korea na i treat tayo sa dinner sa gitna ng busy sked niya dahil makikita mo talaga iyon effort niya na entertain si Aileen Go ng MegaSoft at si lola Budingding niya. Muntik nga ako umiyak dahil kumanta pa siya ng happy birthday at nagbigay pa ng cake. Kaya nga nadagdagan ang paghanga ko sa koreans dahil kay Sandara Park na mahal na mahal ang mga pilipino at Pilipinas. Hayy inggit na inggit ang local showbiz sa inabot ng Korean sa filmdom industry. Bongga, talagang clap clap clap. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Samantala, hindi ito ang unang beses na nagpakitang gilas si Lolit tungkol sa kanyang kaalaman sa Korean entertainment industry.

Kamakailan, nagbahagi ang writer ng litrato ni Gabbi Garcia na may kasamang caption na “Balita sa 24Oras na nakita niya si Messi, e, 'yon pa naman 'yung pangalan madalas mabanggit sa Korean serye na Weightlifting Fairy kaya naalala ko talaga, pati 'yung Ronaldo.”

Bongga si Gabbi Garcia Salve ha. Balita sa 24 Oras na nakita niya si Messi, eh iyon pa naman iyon pangalan madalas mabanggit sa korean serye na Weightlifting Fairy kaya naalala ko talaga, pati iyon Ronaldo. Kaya nga hanga ako kay Gabbi Garcia, rubbing elbows siya sa mga top celebrity at biyahe na by invitation. Sosyal ang Gabbi na isa na rin mahusay na artista dahil ang husay ng acting niya sa Beautiful Justice, at mukhang tuloy-tuloy naman ang pag-aalaga sa kanya ng GMA Artists Center kaya magaganda ang mga project na ibinibigay sa kanya. Maganda na rin ang PR ni Gabbi, hindi tulad ng dati na medyo aloof, now very sweet na siya sa mga writer kaya no way but up up and away kay Gabbi Garcia. 'You like Messi?' bongga si Gabbi, inggit to the max, huh huh huh. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


IN PHOTOS: Pinoy celebrities na K-Pop at K-Drama fans

Lolit Solis hindi makapaniwalang tatapatan ng mga bigating aktor ang 'Prima Donnas'