GMA Logo Prima Donnas vs Love Thy Woman
What's on TV

Lolit Solis, hindi makapaniwalang tatapatan ng mga bigating aktor ang 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 31, 2020 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas vs Love Thy Woman


Lolit Solis: "Kailangan i-congratulate talaga ang team ng 'Prima Donnas' dahil wow bongga ang ratings nila."

Tuloy-tuloy pa rin ang tagumpay ng nangungunang afternoon drama sa Pilipinas na Prima Donnas.

Sa katunayan, hindi makapaniwala ang beteranang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na napataob nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo ang kanilang katapat na programa.

"Nakita mo talaga na kahit namayagpag ang Kadenang Ginto nung una, nagawa itong padapain ng Prima Donnas sa gitna ng laban.

"Hindi mo aakalain na mapapataob ng tatlong young stars ng GMA ang drama ni Dimples Romana na sumikat ng husto,” sulat ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

Hindi rin makapaniwala si Manay Lolit na pagbibidahan ng mga beteranong aktor na programang itatapat sa Prima Donnas.

"Hindi mo rin iisipin na tatapatan ng isang Kim Chiu at meron pang Christopher de Leon sila Jillian, Althea, at Sofia," saad ni Manay.

"Kailangan i-congratulate talaga ang team ng Prima Donnas dahil wow bongga ang ratings nila."

Alam mo talaga na malakas ang Primadonna Salve dahil all stars cast ang itinapat ng ABS sa serye ng GMA. At nakita mo talaga na kahit namayagpag ang Kadenang Ginto nung una, nagawa itong padapain ng Primadonna sa gitna ng laban. Hindi mo aakalain na mapapataob ng tatlong youngstars ng GMA ang drama ni Dimples Romana na sumikat ng husto sa Kadenang Ginto. At hindi mo rin iisipin na tatapatan ng isang Love Thy Woman starring Kim Chiu at meron pang Christopher de Leon sila Jillian, Althea at Sofia. Kailangan i-congratulate talaga ang team ng Primadonna dahil Wow bongga ang rating nila. Kaloka. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Patuloy lang na tutukan ang mas lalong gumagandang istorya ng Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.

Puwede na rin mag-catch-up ng episodes ng Prima Donnas na hindi napanood. Pumunta lang sa GMANetwork.com, o 'di kaya mag-download ng GMA Network app na available na sa Apple Store at Google Play.

Full episodes ng mga paborito n'yong Kapuso teleserye, mapapanood na sa GMANetwork.com at GMA Network app simula February 1!