advertisement
Showbiz News

13 beauty queens na pinag-usapan sa social media

1 of 14

Pia Wurtzbach

Ibang pangalan ang nabanggit ni host Steve Harvey para koronahan bilang Miss Universe. Agad itong humingi ng paumanhin at itinama ang kanyang pagkakamali sa may totoong nagmamayari ng korona. Tila blessing in disguise ito dahil mas nagningning ang reigning Miss Universe 2015.

2 of 14

Ariadna Gutierrez

Apat na minuto naging Miss Universe si Miss Colombia ngunit agad itong binawi sa kanya. “It was an honest mistake,” pag-amin ng American TV host na si Steve Harvey noong Miss Universe 2015 pageant.

3 of 14

Janina San Miguel

“I don't feel any pressure right now,” confident na sinabi ng pageant first-timer pero pagdating sa question and answer portion ay pautal-utal siyang nagsalita. Gayunman, siya pa rin ang umuwi ng Binibining Pilipinas World 2008 title at nag-viral pa ang kanyang video sa Internet.

advertisement
4 of 14

Melanie Marquez

Naging tanyag ang sagot ni Miss International 1979 sa question and answer segement na “I will not change my legs because I am contented with my long legged.” Ito ay tinaguriang “Melanisms.”

5 of 14

Venus Raj

“Major, major” naman ang iniwang legacy ni Miss Universe 2010 4th runner-up sa kanyang question and answer portion.

6 of 14

Gloria Diaz

Inimungkahi ni Miss Universe 1969 sa isang interview ang paggamit ng sariling wika sa pagsagot ng pageant questions na isasalin ng interpreter sa Ingles. Iba ang naging kalabasan ng kanyang panayam sa mga Cebuano ngunit nilinaw ng dating beauty queen ang kanyang sinabi sa isang paliwanag.

advertisement
7 of 14

Janine Tugonon

Naging hot topic ang breakup nina Miss Universe 2012 first runner-up at ng kanyang dating boyfriend of one year na si Jaypee Santos nang dahil kay The Script frontman Danny O'Donoghue.

8 of 14

Imelda Schweighart

Usap-usapan naman ang yellow evening gown na ginawa ni Filipino designer Leo Almodal para kay Miss Earth Philippines. Nabigo at nasaktan umano ang Filipina-German beauty dahil hindi siya ang nakapagsuot nito.

9 of 14

Katherine Espin

Si Miss Earth Ecuador na front-runner ng pageant ang nakapasok sa final round kaya sa kanya pinasuot ng Pinoy designer na si Leo Almodal ang kanyang mala-goddess na gown. Siya ang kinoronahan ngayong taon at inakusahang “retokada.”

advertisement
10 of 14

Miriam Quiambao

Pinuna naman si Miss Universe 1999 first runner-up ng LGBT community dahil sa kanyang sinabi sa isang talk show, “Homosexuality is not a sin, but it is a lie from the devil.” Nag-sorry ang TV host sa kanyang Twitter post.

11 of 14

Precious Lara Quigaman

Bad timing naman ang pag-post ni Miss International 2005 ng mga Bible verses sa kanyang Instagram, ayon sa mga netizens na pumuna sa kanya. Ito raw ay parang patama kay Pope Francis na bumisita sa bansa noong 2015.

12 of 14

Melody Gersbach

Nirepresenta naman ng Filipina-German ang bansa sa Miss International 2009 pageant. Nang sumunod na taon, namatay siya at ang dalawang kasamahan nito sa isang car accident papuntang Naga City.

advertisement
13 of 14

Maxine Medina

Binatikos ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina dahil sa kanyang oral English skills sa mga interviews. May mga nagsabi namang kapuri-puri ang kanyang performance sa preliminary competition ng 65th Miss Universe.