Showbiz News

Paolo Contis, natatakot sa bago niyang show

Dalawa ang bagong shows ni Paolo Contis sa GMA. Aside from 'OC to the Max,' nagsimula nang mag-taping si Paolo sa 'Darna' and 'Show Me Da Manny' ngayong week. Both shows will start airing next month, at nang makausap ng iGMA si Paolo, inamin niya na natatakot siya sa isa sa mga bago niyang shows. Text b y Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S.Mauricio It has been two years since GMA has produced a sitcom and marami na rin ang nakakamiss nito sa telebisyon. Kaya naman ngayong Agosto, ipapalabas na ang Show Me Da Manny, kung saan pinagbibidahan ito ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Kasama sa show si Marian Rivera, and a host of comedians including the very versatile actor/host Paolo Contis. Nang makausap ng iGMA si Paolo sa isang exclusive interview, inamin ni Paolo na excited siya sa kanyang mga bagong shows. Very different ang roles niya and he welcomes the fact na both will start airing in August. "Mas gusto ko na mangarag sa dami ng trabaho kaysa maghintay (laughs). Blessing 'yan eh, and I m really hoping na tumagal ito (Show Me Da Manny) nang hindi lang one season. Sana magtuloy-tuloy pa and kung baga, ito 'yung magiging rest ko dun sa Darna na siyempre stressful na show dahil sa kontrabida ako. Dito [sa Show Me Da Manny], mailalabas ko 'yung totoong ako. Maisho-showcase ko 'yung lahat ng talent ko. Maipapakita ko na sa ibang tao na hindi talaga ako masamang tao. Dahil pag nasa Darna ako, people will hate me; dito, people will love me," ang paliwanag sa amin ng dating child actor. Pero dahil sa pinagsama-sama ang mga magagaling na comedians ng GMA sa Show Me Da Manny, inamin sa amin ni Paolo na natakot at na-challenge siya dito. "Masaya ako. Ktulad nga ng sinabi nila, first sitcom ito uli na pinoroduce ng GMA [after two years] tapos pinili ako na mapasama, so nakakatakot! It is very challenging, maganda rin 'yung cast, so I think magiging masaya naman 'yung show." Idinagdag pa niya na ibang Paolo ang makikita natin dito compared sa iba niyang mga shows. "Siguradong iibahin ko 'yung atake dito from OC To The Max. Hindi ko pa lang alam kasi hindi ko pa alam 'yung 'yung flow ng script, kung ano 'yung gusto ni Direk, kung anong klaseng comedy ang gustong ibigay, pero for sure since kabatuhan ko si Benjie [Paras], marami kaming magagawa dyan," ang kuwento pa ni Paolo. Sa pagtatapos ng interview, inimbitahan niya ang lahat ng mga Kapuso viewers to watch out for his new shows: “Sana manood sila dahil finally bumalik na ‘yung talagang forte namin and I promise them na hindi sila mabibigo, gagawin namin ang lahat para mapatawa sila every Sunday.” Abangan ang pagbabalik ng kakatawanan sa KiliTV ng GMA! Malapit na ang Show Me Da Manny kaya huwag palampasin! Pag-usapan ang mga bagong shows ni Paolo Contis sa iGMA Forum.