Showbiz News

Carlo J. Caparas, isa nang national artist

Ang pangalan niya ay isa sa mga pinaka-kilala sa larangan ng paglikha ng komiks, pati na din sa pag-direct. Undoubtedly, Carlo J. Caparas trailblazed his own brand of art nang ipagsama niya ang dalawang ito, para sa masang Pilipino. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio. Kamakailan, last July 29, 2009, nang i-announce ang mga pinakahuling tatanggap ng Order of National Artists (Order ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining), madami ang hindi nagtaka na isa sa mga pangalan na nabilang dito ay ang batikang manlilikha, manunulat, at direktor na si Carlo J. Caparas. Siya ay pinarangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Visual Arts at Film. Magmula nang maging parte ng buhay natin ang mga kuwento ng Panday, ni Totoy Bato, si Bakekang at Gagambino, ang pangalan ni Carlo J. Caparas ay naging kakabit na ng mga karakter na ito para sa mga pangkaraniwang Pilipino. Ating inaabang-abangan ang kanyang mga istorya ng mga nilalang na pinalad (o sinawing-palad) na mabigyan ng kakaibang kapangyarihan. "Bawa't papuri at parangal sa taga-industriya sa panahong ito ay napakalaking bagay, dahil sa takbo ng mga pangyayari sa komiks at showbis. Malaking tulong ito na sa hanay namin ay may napiling National Artist," ang pahayag ng 'Komiks King,' upon learning that he was the recipient of this highest national award in arts. "Pinakamataas na karangalan ito para sa isang tulad ko na manunulat at Direktor sa Komiks at Pelikula at Telebisyon. Pasasalamat ang pinararating ko sa NCCA, sa CCP [at] sa bumubuo ng ng lupon sa pagpili, at higit sa [lahat ang] Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa mga kaibigan at sumuporta sa akin lalo na sa aking asawang si Donna Villa at mga anak naming sina CJ at Peach. "At ang pinakamatimbang sa lahat, humahalik ako sa Diyos na pagkakaloob sa akin ng talino at tibay. Sa maraming taon nang pagsusulat at pagdidirek sa TV at movies, isang napakalaking katuparan ng pangarap ang natanggap kong ito. Kulang ang anumang pasasalamat." Ang pagpili ng mga National Artist ay nasa pamamahala ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and Cultural Center of the Philippines (CCP) at ipinamamahagi ng Presidente sa rekomendasyon ng dalawang institusyon na ito. Dagdag naman ng Acting Executive Secretary at Presidential political adviser na si Gabriel Claudio tungkol sa kanilang pagpili kina Carlo J. Caparas at iba pang Pambansang Alagad ng Sining: "Kinikilala natin ang pananaw ng iba, but we stand by the list and we say it was a product of a thorough process and we stand by the qualifications qualities track record and reputation of those named as National Artists." (source: GMANews.TV) Kontrobersiya man o hindi, ang sigurado is that we cannot deny the influence of Carlo J. Caparas in shaping and enriching Filipino pop culture into what it is now at kung papaano tumatak ang mga nilikha niya sa buhay ng ng bawa't Pilipino. Pag-usapan ang mga likha ng ating 'Komiks King!' iGMA Forum! Not yet a member? Register here!