Showbiz News

Alex Gonzaga, nag-reklamo kina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

By Jansen Ramos

Isa sa mga inaabangang guest sa CoLove Live concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo si Alex Gonzaga.

IN PHOTOS: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo spread kilig vibes in 'CoLove Live' concert


As expected, hindi magkamayaw ang tawa ng audience dahil sa sarcastic wit ng ng Kapamilya comedienne.

Ikinuwento pa ni Alex kung paano siya inimbitahan ni Jennylyn sa kanilang concert.

Sambit ni Alex, "So, si Jennylyn po nag-text sa 'kin. [Sabi niya,] 'Alex, magkaka-concert kami. Pwede bang makasama ka?' Sabi ko, "Oo naman, siyempre, of course,' kasi friends kami."

Kuwento pa ni Alex, na-touch siya dahil naisip siyang imbitahan ng Ultimate Star ngunit nadismaya siya noong hindi nakasama ang kanyang larawan sa unang poster ng CoLove Live concert.

Saad niya, "I'm so touched na talaga namang napili niya pa ko [pero] naglabas po s'ya ng first poster, wala ako.

"So tinext ko siya. [Sabi ko,] 'Jennylyn, ano nangayri?' So, gumawa sila ng bago."

Dagdag biro ni Alex, "Ang lagay pa niyan, ako pa 'yung may utang na loob na andito ko.

"Parang ako pa 'yung pumilit na 'Jennylyn, sama mo 'ko kasi naka-block off na ko."

Sa kabila nito, pinuri ni Alex si Jennylyn dahil sa pagiging "perfect" nito.

Sabi niya, "Alam n'yo si Jennylyn ang complete package.

"Singer, dancer, magaling na artista.

"Kumpleto na lahat.

"Ang gwapo pa ng anak mo, ang gwapo pa ng boyfriend mo."

Matapos ang comedy act, nagkaroon ng singing showdown sina Alex at Jennylyn. Inawit nila ang "Emotions" ni Mariah Carey at "I Will Always Love You" ni Whitney Houston.

Panoorin ang kanilang performance dito: