What's Hot

WATCH: Multo sa Mega Dike ng Pampanga, na-huli cam?

By Bianca Geli
Published February 19, 2020 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Multo sa mega dike KMJS


May multo nga ba ang mega dike sa Pampanga?

Na-huli cam mula sa dash cam ng kotse ang multo raw ng mega dike sa Pampanga.

Dahil sa banta ng lahar mula Mt. Pinatubo noong dekada '90, itinayo ang 56-kilometer mega dike sa Pampanga, na nagsisilbi na ring kalsada ngayon.

Ito rin ay nagdurugtong ng mga bayan mula Porac hanggang Bacolor.

Pero sunud-sunod na rin daw ang mga aksidente rito, kadalasan nahulog na sasakyan ang mga aksidente rito.

Sa dami ng mga insidente, paniniwala tuloy ng ilan ay mayroong malagim na nakaraan ang kinatatayuan ng mega dike.

Nito lamang January 26, pasado alas nuwebe ng gabi, inihatid ni Edward Santos ang kaniyang mga balikbayan na pinsan.

Meron daw kakaibang nakita sina Edward sa daan noon habang binabaybay ang mega dike access road.

Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Naglalakad siya na parang may hawak.”

Matapos ihatid ang kaniyang mga pinsan, mag-isang bumiyahe pabalik si Edward at nadaanan niya muli ang mega dike kung saan meron muli siyang nakitang naglalakad mag-isa sa daan.

“Wala siyang ulo, para siyang may pasan sa likod.”

Dagdag niya, “Nung ni-review ko 'yung dash cam ko, doon ako mas may naramdamang kakaiba.”

Pugad nga ba ng kababalaghan ang mega dike sa Pampanga?

Panoorin:

KMJS: Pagpapaturok ng gluta, healthy o deadly?

LOOK: Lolo at Lola, mahilig mag-matching OOTD