Showbiz News

WATCH: Cassy Legaspi, masayang maging bahagi ng Kapuso series na nagpapahalaga sa mga yaya

By Cherry Sun

Masaya at nagpapasalamat si Cassy Legaspi sa First Yaya hindi lamang dahil una niya itong teleserye.

Cassy Legaspi

Ang batang Kapuso star, natutuwa ring maging bahagi ng isang programang nagpapakita ng halaga ng mga yaya.

Ipinakilala na si Cassy bilang bahagi ng cast ng First Yaya, ang Kapuso primetime series na pagbibidahan ni Marian Rivera.

Makakasama rin nila dito sina Gabby Concepcion, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Pancho Magno, Kelvin Miranda, Princess Aguilar, at Bae-by Baste.

FIRST LOOK: Marian Rivera and the cast of the upcoming Kapuso series, First Yaya

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ni Cassy na nagustuhan niya ang konsepto ng programa dahil laki siya sa yaya.

Si Yaya Cora kasi ang nag-alaga sa kanya simula noong sanggol pa siya at hanggang ngayon.

IN PHOTOS: Celebrities and their loving yayas

Kuwento niya, “Before parang mother figure ko siya, and then growing up parang our relationship progressed, na ngayon parang best friends na.

“I always make her kuwento. Updated siya sa buhay ko, sa school life ko, friends, lahat.”